INARESTO ng mga operatiba ng Parañaque City Police ang 43-anyos accountant na sinasabing sangkot sa 111 kasong Qualified Theft, may nakalaang P5.3 milyong piyansa habang papasok sa kilalang casino, sa lungspd nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang akusadong si Ramon Andal Gamboa, most wanted kaugnay sa mga warrant of arrest na may criminal case numbers mula 2021-1641 hanggang 2021-1752 na pawang paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code (Qualified Theft) na inisyu ni Hon. Judge Brigido Artemon Luna II ng Parañaque Regional Trial Court Branch 196 noong 14 Disyembre 2021, may inirekomendang ₱5,318,000 para sa provisional liberty.
Sa ulat, 5:45 pm nang arestohin si Gamboa sa entrance ng Solaire Resort and Casino sa Brgy. Tambo, Parañaque City ng mga tauhan ng Parañaque City Police Sub-station 2 sa pamumuno ni P/Maj. Jolly Soriano.
Sa ngayon ay nakadetine sa detention facility ng Parañaque Police si Gamboa habang hinihintay ang commitment order at return of the warrant of arrest sa korte. (GINA GARCIA)