Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine sa mga Marites — Sisiguruhin kong masasampahan ng demanda para madala

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI maitago ni Sunshine Cruz ang kanyang pagka-inis dahil sa kumakalat na naman sa social media na napakabata pa raw niya pero ”malapit na siyang maging lola.” Nagsimula lang naman iyan simula nang ma-post din ang pictures niya kasama ang mga anak na sa anggulong iyon, mukhang malaki nga ang tiyan ni Angelina.

Eh alam naman ninyo ang mga Marites, talagang inaabangan kahit na mga walang kabagay-bagay na ganyan para mapalawig pa ang “itinuturing nilang propesyon,” ang magkalat ng tsismis totoo man o hindi. Iyang mga Marites, basta hindi nakagawa iyan ng tsismis maghapon, parang nakararamdam ng symptoms ng Covid kahit pa bakunado.

Ang ikinaiinis lang ni Sunshine, iyong hindi totoo ipinipilit.

“Darating din naman ang panahon na magkakaroon ako ng apo. Gusto ko rin naman na magkaroon ako ng apo habang bata pa ako, at least mae-enjoy ko ang pagiging lola. Pero hindi naman iyang ganyang ang babata pa ng mga anak ko, ni hindi pa nga naliligawan, sasabihin nila buntis dahil parang malaki ang tiyan sa isang picture, eh ilang araw lang may picture rin si Angelina na naka-swim suit, ano iyon in a matter of two days mabubuntis na at malaki na agad ang tiyan?

“Alam mo sa ngayon talagang sobra na iyang mga Marites. Noong araw din naman maraming tsismis sa showbiz.  Ang dami kasing magazines noon pero hindi ganyan kagarapal, kasi alam nila may pananagutan sila. Mate-trace mo agad sila eh. Eh ngayon iyang mga Marites, malakas ang loob na gumawa ng tsismis kahit hindi totoo. Una hindi mo naman alam kung ano ang totoo nilang pangalan. Mahirap mo naman silang i-trace dahil ang gamit lang nila sa internet ay cellphone at pre-paid card pa ang sim.

Mayroong mga nasa-cyber libel din, pero iyong mga Marites na gumagawa ng ganyang tsismis wala pang nagtitiyaga talaga na hanapin sila. Sa akin kung hindi sila titigil lalo na sa mga anak ko, hahanapin ko talaga iyan at sisiguruhin kong masasampahan ng demanda para madala,” sabi ni Sunshine.

Pero siguro naman magsasawa rin ang mga iyan basta wala namang nangyayari sa mga tsismis na ginagawa nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …