Monday , December 23 2024

Duterte balik-alyansa kay ‘Uncle Sam’

031122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagamit sa Estados Unidos ang mga pasilidad sa bansa kapag lumala ang gera ng Russia laban sa Ukraine alinsunod sa Mutual Defense Treaty ng Filipinas at US.

Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, ito ang inihayag sa kanya ni Pangulong Duterte sa kanilang pulong kamakalailan sa Maynila at nagsalita ang Pangulo ng kanyang pagkabahala sa epekto sa mundo ng nagaganap na krisis.

Kinondena ng Filipinas ang pananakop ng Russia sa Ukraine at bumoto ng yes sa UN General Assembly na humiling sa kagyat na pagtigil ng pag-atake ng Moscow at withdrawal ng lahat ng Russian troops sa Ukraine.

Ayon kay Romualdez, para kay Pangulong Duterte, mali ang pag-atake ng Russia sa Ukraine.

“He says if they’re asking for the support of the Philippines, it’s very clear that, of course, if push comes to shove, the Philippines will be ready to be part of the effort, especially if this Ukrainian crisis spills over to the Asian region,” ani Romualdez sa isang online briefing sa Manila-based journalists.

“Give them the assurance that if ever needed, the Philippines is ready to offer whatever facilities or whatever things that the United States will need being a major — our number one ally.”

Hindi aniya tinukoy ni Pangulong Duterte kung aling pasilidad ang ipagagamit sa Amerika ngunit maaaring kasama rito ang Clark at Subic Bay freeports, dating air at naval bases ng US sa Filipinas.

PALASYO WALANG KIBO

Batay sa 1951 Mutual Defense Treaty, may komitment ang US at Filipinas na sumaklolo sa isa’t isa kapag may umatakeng ibang bansa.

Ilang beses nangako ang mga opisyal ng Amerika sa nakalipas na mga taon na sasaklolo sa Filipinas kapag inatake kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Nagtakda aniya ng pulong ang US national security officials sa White House sa mga ambassador ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian (ASEAN) ngayong linggo upang talakayin ang lumalawak na sanctions na ipinatutupad ng US sa Russia gaya ng ban sa Russian oil imports,

Umapela ang Ukraine sa ibang mga bansa, kabilang ang Filipinas, “to stop doing business with Russia” ngunit hindi niya batid kung opisyal na itong naiparating sa Philippine government.

Isa aniya sa pag-uusapan sa meeting sa US officials ang imbitasyon ni US President Joe Biden sa ASEAN heads of state na dumalo sa isang special US summit sa 28 Marso 2022.

Posible umanong hindi makadalo si Pangulong Duterte dahil kasabay ng kanyang kaarawan at abala sa eleksiyon sa bansa.

Matatandaan, sa inilathalang analysis ni Derek Grossman noong Mayo 2021 ay sinabi niyang sa kabila ng walang patumanggang papuri ni Pangulong Duterte sa China, hind niya maiiwasan bumalik ang Filipinas bilang masugid na kaalyado ng Amerika.

Si Grossman ay isang senior defense analyst sa RAND at dating daily intelligence briefer sa US assistant secretary of defense for Asian and Pacific security affairs.

Inihayag ni Grossman, ang kanyang analysis sa foreignpolicy.com na may titulong “China Has Lost the Philippines Despite Duterte’s Best Efforts.”

Aniya, walang dapat sisihin ang Beijing kung nawala ang oportunidad na hilahin palabas ng US orbit ang Filipinas dahil sa agresibong asta ng China sa South China Sea ay naging imposible para kay Pangulong Duterte na igiit ang kanyang pro-China at anti-US agenda.

Sinabi ni Grossman, ang destabilizing activities ng Beijing sa South China Sea ang nagtulak kay Pangulong Duterte upang payagan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na maghain ng sunud-sunod na diplomatic protest sa China.

Bumigay rin aniya si Duterte sa panawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magmantina ng close ties sa US military sa pamamagitan ng combined training operations gaya ng Balikatan exercise at muling patunayan ang kahalagahan ng alyansa.

Sa kasagsagan, aniya, ng Whitsun Reef saga o ang pagtambay ng may 220 Chinese vessels sa isa sa mga isla sa Spratlys na pagmamay-ari ng Filipinas noong Abril 2021 ay nagkaroon ng ‘close and regular contact’ si Lorenzana kina US Secretary of State Antony Blinken and US Defense Secretary Lloyd Austin.

Giit ni Grossman, ang lumalakas na pagpupumilit ng Beijing sa South China Sea ay naging sanhi upang mahirapan si Duterte na pahupain ang anti-Chinese sentiment ng mga Pinoy.

Nabigo rin aniya si Duterte na payapain ang pangamba ng pro-US na unipormadong sektor na nakikita ang China bilang pangunahing banta sa seguridad ng Filipinas.

Habang sa aspektong politikal ay galit aniya ang mga senador sa pagkabahag ng buntot ni Duterte sa China at ang hayagan niyang pagbalewala sa traditional alliance sa Amerika.

Dahil nahihirapan umano si Duterte upang magmaniobra, lalong nawalan ng kredibilidad ang kanyang mga patakarang pro-China bunsod ng agresibong pagkilos ng Beijing sa South China Sea.

“To be sure, Duterte’s own instincts, high approval ratings, and lame-duck status probably mean he won’t plan a wholesale embrace of the United States. On the contrary, he is very unlikely to stop criticizing the United States because he remains, at his core, anti-US. That said, China has left Duterte little choice but to keep inching closer to Washington. To that end, it is likely the United States and the Philippines will reach an agreement on the new VFA soon. Atmospherics aside, Duterte is becoming less of a headache for Washington and more of one for Beijing — and that is a good thing for US strategy in the Indo-Pacific,” sabi ni Grossman.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …