Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Rhea Tan Beautederm

Carlo pinagkaguluhan sa Pampanga

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

IBA pa rin talaga ang karisma ng Beautederm ambassador na si Carlo Aquino. Hindi magkamayaw ang mga tao kabilang na ang mga tagahanga ng Kapamilya actor nang maging bisita siya sa Super Summer Sale Craze sa flagship store ng Beautederm sa Marquee Mall, Angeles City, Pampanga noong March 5.

Dahil nga kabilang na ang Pampanga sa mga lugar na nasa Alert Level 1 status, kaya naman dumagsa ang mga tao sa Beautederm store para makibahagi sa sale at siyempre para makita, makausap, at makapagpa-picture kay Carlo, na nagsilbi ring Beautederm Consultant ng araw na iyon. Mismong si Carlo ang nagbenta ng Beautederm products kaya tuwang-tuwa ang mga namili.

Siyempre present din sa event ang official fans club ni Carlo na Carloholix, na tuwang-tuwa makasama ulit ang kanilang idolo. 

Thankful naman ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kay Carlo dahil isa ang aktor sa mga napakasipag at mababait na ambassadors ng Beautederm.

Natutuwa rin si Ms Rhea dahil nagbabalik na ang face-to-face at onsite events ng Beautederm gaya nito. Pero siyempre nariyan pa rin ang pag-iingat at pagsunod sa safety protocols sa kabila ng pagbaba ng alert level status.

Nami-miss na rin ni Ms Rhea ang mga bonggang mall shows, store openings at events ng Beautederm kasama ang marami niyang ambassadors.

Kaya naman wish at dasal niya na mas bumuti pa ang health situation sa bansa at tuluyan nang matapos ang pandemya para bukod kay Carlo ay makasama rin niya sa mga susunod na events ang iba pang Beautederm ambassadors na muling maghahatid ng kasiyahan sa mga tao.

Parte ng kinita sa Beautederm Summer Sale na ito ay mapupunta sa charity at advocacy arm nito na ContriBeaut Inc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …