Sunday , December 22 2024
Leni Robredo CSJDM Bulacan

Robredo saludo sa Bulakenyo

ni ROSE NOVENARIO

SUMALUDO si Vice President at presidential candidate Leni Robredo sa pagdagsa ng may 45,000 Bulakenyo sa grand rally nila ng kanyang tandem na si vice presidential bet Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at mga kandidato sa pagka-senador sa Malolos, Bulacan noong Sabado.

“Grabe, Bulacan! Ginulat n’yo kami!” pahayag ni Robredo sa paskil sa Facebook.

Inilahad niya na nagsimula ng 8:00 am at natapos ng 11:00 pm ang kanyang mga aktibidad sa lalawigan na nag-umpisa sa City of San Jose del Monte hanggang sa mga bayan ng Sta. Maria at Guiginto bago nagpunta sa Malolos upang dumalo sa iba’t ibang pagtitipon at Grand Rally.

“Nasa San Jose del Monte na kami 8:00 am, lumipat ng Sta. Maria at Guiguinto bago pumunta sa Malolos for several events, including the Grand Rally. Pagkatapos ng Grand Rally, pumunta pa kami ng Meycauayan. Nakauwi kami 11:00 pm na,” ani Robredo.

Nabatid na naging panauhing pandangal si Robredo sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at Assembly of Lingkod Lingap sa Nayon and Mother Leaders sa Kapitolyo.

Napaulat sa naturang okasyon ay inendoso nina Bulacan Gov. Daniel Fernando at kanyang running mate Board member Alex Castro ang kandidatura ni Robredo sa pagkapangulo.

Ikinatuwa ng presidential aspirant ang pagbuhos ng mga tao sa lahat ng lugar na kanilang pinuntahan, may mga naghintay sa mga kalsada na kanilang daraanan at mistulang picnic na kasama ang buong pamilya pati mga alagang aso at pusa.

Hindi nakaligtas sa papuri ni Robredo ang isang tagasuporta niyang nagsuot pa ng Spiderman costume, ang pagoda na ginawa ng mga taga-Bocaue, at mga mananayaw mula sa Obando.

“Ang daming tao sa lahat ng venues, ang dami rin naghihintay sa kalsada. Parang picnic – kasama buong pamilya, pati alagang aso at pusa. Maraming naka- costume, maraming mga sariling gawang placards, andoon si Spiderman, ang mga taga-Bocaue, nag-alay pa ng napakagandang pagoda,” sabi ni Robredo.

“For the first time, nakoronahan ako on stage. May mga mananayaw din from Obando. Daming highlights at sobrang saludo sa lahat ng volunteers,” dagdag niya.

Aminado si Robredo na naantig ang kanyang damdamin at tumagos sa kanyang puso ang pagtatanghal ng may 60 doktor na nakasuot ng pink PPE at nakasabit sa leeg ang stethoscope mula sa grupong ROBREDOCS ng “Di N’yo Ba Naririnig,” ang Filipino version ng awit sa Les Misarables na Do You Hear the People Sing.

“Isa siguro sa mga pinaka-powerful na numbers ‘yung galing sa mga ROBREDOCS. 60 doctors from Bulacan performed the Filipino version of Les Miserablès Do You Hear the People Sing. Tagos na tagos,” ayon kay Robredo.

“Ang nakahahanga kasi, these are the same people who braved the frontlines for two years during the pandemic, making sure that we are kept safe. Ngayon, tuloy pa rin ang pagsasakripisyo para sa bayan,” giit niya.

“Mabuhay kayo, Bulacan volunteers and supporters. Baon namin ang inyong pagmamahal at tiwala.”

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …