Thursday , May 8 2025

‘Golden age’ ni BBM, clear and present danger – Atty. Luke

030722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MAPANGANIB sa bansa ang iniaambang pagbabalik ng ‘Marcos golden age’ ng anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Inihayag ito ng labor leader at senatorial bet Atty. Luke Espiritu sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One News noong Biyernes.

Sinabi ni Espiritu, dapat pag-usapan ang mga totoong naganap noong rehimeng Marcos dahil ginagamit na puhunan ni Bongbong at kanyang mga kaalyado sa eleksiyon 2022 ang propagandang ‘Golden Age’ ang rehimen ng kanyang ama kaya’t ibabalik niya ito kapag nagwagi sa halalan.

Para kay Espiritu, mahalagang talakayin na marami ang ikinulong, tinortyur at pinatay noong rehimeng Marcos dahil kung ipinapangako ni Bongbong sa mga botante na ibabalik niya ang uri ng pamamahala ng kanyang ama, nasa panganib ang Filipinas sa ganitong klase ng pamamahala.

“Talagang relevant ang usapin kung ‘golden age’ ba ‘yan. Therefore relevant ang usapin na no’ng time na ‘yan marami kayong human rights abuses. Marami ang ikinulong, tinortyur, pinatay, isyu ‘yan. Kasi kung ikaw sinasabi mo ibabalik mo ‘yang ‘golden age’ na ‘yan, e ‘di yung mga values ng rehimen ng tatay mo, ibabalik mo rin. Therefore we are in danger of that type of governance being resurrected in our country which does not respect human rights, which does not respect ‘yung kalayaan natin, karapatan natin sa pamamahayag. We are in danger kaya pinag-uusapan natin,” paliwanag ni Espiritu.

Kung tutuusin, aniya, ang nagbalik ng isyu ng Marcos regime ay si Bongbong mismo at bahagi ng kanyang plano sa pagsabak bilang 2022 presidential bet ay pagrebisa sa kasaysayan.

Giit ni Espiritu, kumakalat na sa social media ang mga usapin ng Marcos golden years, estratehiya rin ni Bongbong sa pagtakbo ay ang isyu ng Tallano gold o ang pagbabayad niya ng utang ng Filipinas kapag nanalo sa halalan at ang ‘record’ ng kanyang ama ang nagsusuporta sa kanyang kandidatura.

Ito aniya ang mga isyung dapat iwasto kaya’t hindi dapat manahimik ang publiko at nagkataon lamang na nag-viral ang panonopla niya kina attorneys Harry Roque at Larry Gadon, kapwa senatorial bets ni Bongbong, sa isang televised debate kamakailan.

About Rose Novenario

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …