Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Bon Voyage

James Reid sinalubong ng fans pagdating ng LA

MASAYANG sinalubong ng fans si James Reid nang dumating siya ng Los Angeles California kahapon.

Sa video na ibinahagi ng isa niyang supporter sa Instagram, makikitang masayang binati ng aktor ang kanyang fans. Anito, “What’s up Reiders and Royals. i landed safely. I’m out here in LA.”

Bago ito, ibinahagi rin ng kapatid ni James na si Chantal ang pamamaalam nito nang nasa airport. “Go rockstar! @james,” caption ni Chantal. 

Nagkaroon din ng despedida party ang singer actor para sa malalapit niyang kaibigan. Sinasabing kaya nagtungo ng America si James ay para roon tuparin ang matagal nang pangarap na maging international singer. Bagamat wala pa itong kompirmasyon mula sa aktor.

Marami naman sa mga kaibigan ni James ang nagpahayag na mami-miss nila ito. 

Sa picture na ibinahagi ni Fiona Faulker sinabi nitong, “Going to miss you brother.” 

May ibinahagi ring picture ng cake si James na may mensaheng, “Bon Voyage and good Luck James Reid!”(MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …