Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual

Piolo chicharon ang pambalanse ng buhay— After 2 wks of work

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SIMPLENG buhay sa probinsiya. Ito ang inamin ni Piolo Pascual na ginawa niya lalo na sa pagsisimula ng pandemic sa digital media conference ng Sun Life: Partner in Health na isa siya sa ambassadors nito kasama sina Ms Charo Santos at Matteo Guidicelli kahapon.

Piolo Pascual Sun Life

Ani Piolo, matagal siyang naglagi sa kanyang rest house sa Batangas lalo na noong nagsisimula pa lamang ang pandemic kaya naman simpleng pamumuhay lamang ang ginagawa niya.

Anang aktor, inenjoy  niya ang pagpapahinga kaya tila nasobrahan siya sa pagiging komportable na mga simpleng bagay na lamang ang hinahanap niya.

“Parang sumobra ‘yung pagiging comfortable ko sa pahinga that I just wanted to get rid of anything na hindi naman kailangan. To the point that you know, I was just living a basic life every day for several months,” ani Piolo.

Kaya nga dumating sa puntong halos hindi siya naliligo. Lagi rin siyang nakahubad.

Pero hindi naman ito ang unang pagkakataong inamin ng aktor na hindi siya naliligo. In fact, matagal na niyang inamin na hindi siya naliligo lalo’t nasa bahay lang siya. At muli nabanggit niya ito dahil nga nasa probinsiya siya, simpleng buhay at wala namang ginagawa. Nariyan pang hindi siya lumalabas kaya okey lang sa kanya na ‘di maligo.

Katwiran ng aktor, “There were days na hindi ako naliligo, there are days na hindi ako nakadamit. You know, I’m just roaming around the property, so it’s hard to kinda you know, ask me to do stuff for work. 

“It was really hard for my handler, my manager to get me to do videos.”

Naikuwento rin ni Piolo na hindi siya nagkasakit gayundin ang kanyang pamilya ngayong pandemic kaya naman nagpapasalamat siya.

Mabait ang Diyos, hindi tayo nagkasakit, even my family,” giit pa nito.

Sinabi pa ng aktor na marami raw siyang naging realizations ngayong pandemic.

“I guess, for me, isa na rito ang mga bagay na gusto ko pang gawin sa buhay, you know, such as acting projects, movies that I’d like to produce, businesses that I’d like to pursue, and siyempre, people I wanna spend time with – my family, my mom, my son and my loved ones. That’s why, I guess, ganoon ko alagaan ang health ko because I know it’s worth it,” sambit pa ni Papa P.

Naibahagi rin ni Papa P na dahil naniniwala siya sa pagbabalanse ng lahat ng bagay, ayaw din naman niyang pinagkakaitan ang sarili. “I don’t want the feeling of deprivation. I always believe in balance, so I just came out of the bubble I did a show for two weeks, and as soon as I got out I rewarded myself a plastic of chicharon. 

“Once in a while you have to indulge and as long as you were able to work out and it’s nice to feel  that your rewarding yourself once in a while specially during the pandemic when you don’t have to look a certain way there were times you look sluggish and not feeling like not to work out but you have to picked yourself up and be fair, it’s not all about feeling good but also you are rewarding yourself, you feel you don’t wanna work out give yourself a day off or two then get back on your feet. It’s a matter of balance for me.”

Samantala, magkakaroon ang Sun Life ng series ng webinars (Safe Space) ukol sa mental health na isasagawa nila katulong ang Philippine Mental Health Association, Inc. (PMHA). Ang pilot stream ay may titulong Love ’em, Hate ’em, Stress ’em: Mental Wellness for the Family, na gaganapin sa April 9. Susundan ito ng Imperfect Balance: How Mental Wellness Bridges Work and Life sa May 14. Magtatapos ang series ng webinar sa June 18 na naka-focus sa You are Worth It: Illuminating a Path towards Holistic Health.

At kung gusto mong magkaroon ng health protection product, maaari kang mamili sa SUN First Aid Plus, SUN Fit & Well Advantage, at Sun ICU Protect. Para mas maintindihan may free consultation para rito o kumonek sa www.bit.ly/advisormatch

“As we continuously endeavor to bring our lives back to normal, let us not forget the lessons we have learned from the past two years. Our health is an important factor in securing a brighter future, and so keeping ourselves healthy is truly worth it,” aniSun Life President Alex Narciso“It would be Sun Life’s honor to walk this journey with them. With this campaign, we are reemphasizing our commitment to be the Filipino’s partner in health.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …