MATABIL
ni John Fontanilla
SUNOD-SUNOD ang blessings na dumarating sa tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start dahil after maging cover ng International Magazine na Aspire at makasama sa pinag-uusapang teleserye ng Kapamilya Network na The Marriage Broken Vow, may bago na naman itong proyekto.
Balita ng publisher ng Aspire Philippines na si Allen Castillo, magkakaroon ng billboard ang Aspire sa New York City USA at isa si Klinton sa makikita kasama ang model/businessman na si Tom Simbulan at iba pang modelo.
Bukod sa malaking billboard sa New York City, nakatakda rin silang pumunta roon para sa isang malaking fashion show ngayong taon.
Dagdag pa rito ang nalalapit nitong pictorial para naman maging cover ng dalawang sikat na local magazines sa bansa.
Kaya naman sobrang thankful si Klinton unang-una sa Diyos Ama, sa kanyang Ate Ann Malig- Dizon, Ate Haye Start, Allen Castillo, publisher of Aspire Magazine Philippines, at sa kanyang manager sa magagandang nangyayari sa kanyang career sa pagsisimula pa lang ng taon.