Monday , April 14 2025
Bongbong Marcos BBM

SA DQ case ni Marcos Jr.,
HINDI PA TAPOS ANG LABAN — PETITIONERS

ni ROSE NOVENARIO

WALA pang dahilan para magdiwang ang kampo ng anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr., sa pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ng consolidated disqualification petitions laban sa kanya.

“We will appeal to the Comelec en banc and pursue this case to the very end,” sabi ni Perci Cendaña, nominee ng petitioner Akbayan party-list, sa isang kalatas kagabi.

Sa isang paskil sa social media kagabi, inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez ang pasya ng First Division.

“The consolidated petitions of Ilagan v. Marcos, Jr., Akbayan v. Marcos Jr., and Mangelen v. Marcos Jr. have been dismissed for lack of merit, by the COMELEC’s 1st Division,” sabi ni Jimenez sa isang tweet.

Batay sa hatol ng Comelec First Division na nilagdaan nina Commissioners Aimee Ferolino at Marlon Casquejo, kapos sa merito ang inihaing petisyon laban sa kadidatura ni Marcos, Jr., sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Base sa desisyon, hindi kasama sa hatol ng Court of Appeals ang accessory penalty na perpetual disqualification from holding public office sa hatol na pagkabilanggo ng 18 buwan sa kasong pagkabigo ni Marcos, Jr., na magbayad ng income tax return sa loob ng apat na taon.

Hindi rin naniniwala ang First Division na crime of moral turpitude ang hindi pagpa-file ng income tax return ni Marcos, Jr.

Ayon sa Akbayan, hindi maiiwasan na pagdudahan ang integridad nina Ferolino at Casquejo, kapwa Duterte appointees lalo na’t nauna nang isiniwalat ni retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon na sinadyang iantala ang paglalabas ng desisyon hanggang siya’y magretiro para hindi mabilang ang kanyang boto na pabor sa diskalipikasyon ni Marcos, Jr.

Ibinulgar din ni Guanzon na isang senador na malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-impluwensiya kay Ferolino, ang ponente ng desisyon.

Bukod sa Akbayan, inaasahang aapela sa Comelec en banc ang petitioners din na Campaign Against the Return of the Marcoses (CARMMA) at si Martial Law survivor Bonifacio Ilagan.

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …