Saturday , November 16 2024
Larry Gadon

Inasunto sa pambabastos ng babae,
GADON MASAMANG EHEMPLO BILANG ABOGADO

ISANG masamang ehemplo para sa mga nagnanais maging abogado si senatorial aspirant Larry Gadon.

“You know the country just held the Bar exam, and it’s sickening to imagine Gadon as an example of what a lawyer is to those who took the exam. He is a terrible example, a terrible human being,” ayon kay investigative journalist Raissa Robles, nagsampa ng mga reklamo laban kay Gadon dahil sa mga bastos na pahayag laban sa kanya sa isang viral video.

Sa kanyang paskil sa Facebook, iginiit ni Robles na “belated Christmas gift’ niya kay Gadon ang mga isinampa niyang kaso laban sa senatorial bet.

“The lawsuits are not just for me but for all women who want to engage in political discourse on the Internet but are instead subjected to vile, online sexual abuse,” ani Robles.

Sa video na nag-viral noong Disyembre 2021, galit na galit si Gadon na pinagmumura si Robles matapos tawagin ng batikang mamamahayag na tax evader ang anak ng diktador at presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“I’ve said I would sue him and so I have. And everything is there in the document my lawyer and I filed,” sabi ni Robles.

Sinuspende ng Korte Suprema si Gadon dahil sa paggamit ng lengguwaheng “arrogant, malicious, and insulting” laban sa isang kapwa abogado at kliyente nito noong 2019.

Ayon sa abogado ni Robles na si Sandra Olaso-Coronel kasong paglabag sa Safe Spaces Act, Cyber libel at Libel ang isasampa laban kay Gadon. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …