MATABIL
ni John Fontanilla
GRABENG lait ang natatanggap ni Angelica Panganiban sa ginawa nitong advocacy advertisement ukol sa pagpili ng kandidatong iboboto sa 2022 elections.
Sa video ni Angelica ay ikinompara nito sa isang manliligaw ang mga kandidato at kung ilang beses na siyang naloko at nabudol. “Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak, beh! Dapang-dapa! Ninakawan ako ng pag-asa at pangarap.
“Minahal ko eh, Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko., pero wala! Nganga! Mambubudol pala!”
Sabay hugot ng, “I’ve learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko.
“Huwag magpapabudol at huwag sa magnanakaw!” sey pa ng Kapamilya actress.
At dahil dito ay nag-trending si Angelica at inulan ng batikos at masasamang salita na halos mura-murahin ng netizens na ‘di nagustuhan ang ginawang advocacy advertisement. inisa-isa rin ng mga ito ang mga intrigang pinagdaanan ni Angelica.