Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

4 drug suspects timbog sa shabu

NASA P119,000 halaga ang nakompiskang hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa southern Metro Manila, nitong Biyernes at Sabado.

Dakong 8:35 pm nitong ng Biyernes, 28 Enero, nang madakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Ben Reyes, alyas Dong, 29 anyos, ng Cavite City, at Marilou Español, 45 anyos, ng Pasay City sa isinagawang buy bust operation sa panulukan ng 2166 Taft Ave., at G. Villanueva St., Brgy. 52, Pasay City.

Nakuha sa dalawang suspek ng mga operatiba ng Pasay Drug Enforcement Unit (DEU) ang 2.7 gramo ng shabu na may standard drug priice na P18,360.

Biyernes dakong 9:05 pm sa Block 141 Lot 1, Solomon St., Upper Bicutan, Taguig City, nahuli ng mga operatiba ng SPD at Taguig City Police Sub-station 7 ang suspek na si Dumayag Alih, 31 anyos, nakompiskahan ng 12 gramo ng hinihinalang shabu, may P81, 600 SDP, P500 buy bust money at isang Rifle grenade at ammo na M203 Rifle Grenade.

Dakong 2:00 m, sa Saint Theresa St., Brgy. 179, Pasay City nitong Sabado, 29 Enero nang mahuli ng DEU Pasay Police ang suspek na si Arnold de Asis, alyas Idol Liit, 38 anyos, nakumpiskahan ng 2.8 gramo ng shabu, may P19,040 SDP. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …