Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta niya ng malinaw at matibay na plano para sa bansa sa panayam ni talk show host Boy Abunda.

“Leni Lutang? Lutang na lutang ang galing! Lutang na lutang ang husay!,” wika ng aktres at singer na si Agot Isidro.

Detailed, knowledgeable, experienced, armed with concrete plans,” dagdag pa niya, sa pagsasabing alam ni Robredo ang solusyon sa mga problema dahil babad siya sa laylayan kasama ang taumbayan.

“Nakababad sa laylayan kaya alam ang problema at may solusyon na maibibigay,” wika pa ni Agot.

VP Robredo shines all the more when faced with adversity because that’s just how it is with born (servant) leaders. The better for voters to see that and make a right decision. Pls choose for the greater good,” wika naman ng aktres na si Pia Magalona sa Twitter.

Pinuri rin ni Magalona ang trabaho ni Robredo, lalo na ngayong pandemya na naghatid siya ng iba’t ibang programa at proyekto para sa mga naapektuhan ng virus.

YES!! During a crisis you must go all out, to the point of micromanaging, because lives are at stake and that’s the priority bec how you address the crisis dictates the outcome,” wika pa niya.

Pinuri naman ng beteranong aktor na si Edu Manzano ang Bise Presidente sa magandang pakita niya sa panayam ni Kuya Boy.

Leni deserves a lot more credit  …. Good job!” ani Edu sa Twitter.

Even more proud and more sure of my decision to vote for Leni Robredo this May! Bravo!” sambit naman ng aktor na si Gabe Mercado.

Bitin kase ang sarap panoorin ni VP Leni. Klaro ang plano. Nangangako pa lang yung iba, nagawa na niya,” pahayag ng radio host na si DJ Cha-Cha.

Catching up on the Leni Robredo interview by Boy Abunda. She is so clearly a woman with a plan Sparkling heartSparkling heartSparkling heart  #LeniAngatSaLahat #LetLeniSpeak,” anang singer/vlogger Saab Magalona.

Naging No. 1 trending topic sa buong mundo ang #LeniAngatSaLahat na may 166,000 tweets ang panayam ni Robredo. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …