Sunday , December 22 2024

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

012122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO               

WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda ng mandatory military service sa bawat 18-anyos na Filipino.

Pahayag ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na kapag nanalong bise presidente sa 2022 elections ay gagamitin niya ang kanyang tanggapan para himukin ang Kongreso na magpasa ng batas hinggil sa mandatory military service sa 18-anyos na Pinoy, babae man o lalaki.

Sa isang kalatas, sinabi ni Lorenzana, bagama’t suportado ng kagawaran ang ideya ni Duterte, may malalaking balakid upang maipatupad ito sa bansa.

Una, aniya, kapos ang funds at resources  dahil kailangan magtayo ng training camps sa iba’t ibang parte ng bansa.

“Training camps would need to be established all over the land, and manpower and funds must be allocated to accommodate the millions who will reach the age of 18 every year,” anang Kalihim.

Pangalawa, ani Lorenzana, ang haharapin na pagtutol sa ayaw pumasok sa military service at ikatlo ay walang pinaghahandaan o lalahukang digma ang

Filipinas para magsagawa ng malawakang mobilisasyo.

“Second, are the anticipated objections of those who are not inclined to serve in the military. Third, we are not on war footing and there will be little need of a general mobilization,” ani Lorenzana.

Mas maigi aniyang alternatibo ang implementasyon ng Reserve Officers Training Course (ROTC) sa mg pribado at pampublikong paaralan na ipinatutupad sa state universities at colleges.

Ang magiging produkto aniya ng ROTC ay magiging bahagi ng malaking bilang ng mga kabataan na ikokonsiderang parte ng mga reservists.

“We feel that the product of the ROTC program is more than sufficient to meet our requirements for warm bodies in case of conflict and in times of calamities and disasters,” giit ng Kalihim.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …