Saturday , April 26 2025

Hiling sa AMLC
‘MONEY LAUNDERING’ SA ‘PHARMALLY’ BUSISIIN

012022 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

BIGLANG YAMAN ang mga personalidad na sangkot sa Pharmally controversy na nabisto sa Senate Blue Ribbon Committee probe kaya dapat busisiin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang lahat ng kanilang bank deposits, covered transactions, ayon sa grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK).

“It is our view that the executive department, through the Anti-Money Laundering Council, may undertake proceedings against personalities involved in the Pharmally controversy,” nakasaad sa liham ni Karl Christian Ceneta, national finance officer ng SPARK  kay AMLC Chairperson Benjamin Diokno.

Ang ‘money laundering’ ay ang mga gawaing nagkukubli ng mga salaping nakuha mula sa ilegal na paraan o krimen upang magmukhang mula sa legal o lehitimong pamamaraan o sa kolokyal na salin, ‘naglalabada o naglilinis ng sandamukal na perang mula sa ilegal na transaksiyon.’

Batay sa implementing rules and regulations ng Anti-Money Laundering Act ang covered transaction ay nangangahulugan na “transaction in cash or other equivalent monetary instrument involving a total amount in excess of five hundred thousand pesos (P500,000.00) within one (1) banking day.”

Naniniwala ang grupo na kailangan ang malalim na imbestigasyon ng AMLC laban sa mga personalidad sa Pharmally controversy upang mabatid ang iba pang batas na kanilang nilabag bukod pa sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Iginiit ng SPARK, malinaw na may paglabag sa RA 3019 ang pagkaloob ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-         DBM) P12 bilyong halaga ng kontrata ng medical supplies sa Pharmally kahit walang track record sa government procurement at naagrabyado ang gobyerno sa hindi patas na  presyo ng mga produktong ibinenta ng kompanya.

Kabilang sa pinaiimbestigahan ng SPARK sina dating DBM Procurement Service chief Christopher Lloyd Lao, Lincoln Ong, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, at Rose Nono Lin.

Ipasisiyasat din ng SPARK sa AMLC sina dating presidential economic adviser Michael Yang at Allan Lim.

Matatandaan si Yang ang nagpaluwal ng puhunan sa Pharmally para makorner ang kontrata sa PS-DBM habang si Lim ay kanyang kanang kamay, finance officer ng kompanya at asawa ni Rose Nono Lin.

Ayon sa SPARK, si Rose Nono Lin ang pinakanotoryus sa pagpapakita ng kanyang yaman at sinabi pa sa Senate hearing na ang pagmamay-ari niyang luxury cars ay basta na lamang niya nakita sa kanyang garahe.

Ang inisyatiba umano ng SPARK na hilingin ang AMLC probe ay kanilang ambag sa umuusad na Senate blue ribbon committee.

Matatandaan na hiniling na rin ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon sa AMLC na imbestigahan ang Pharmally dahil sa umano’y koneksiyon nito kay Yang at iba pang idinadawit sa illegal drug trade.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …