Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isama iba pang opisyal
UNVAXXED BARANGAY CHAIRMAN RESIGN — DILG

011722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

PINAGBIBITIW o pinagbabakasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay na hindi bakunado kontra CoVid-19.

Itinuturing ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na kahihiyan sa kampanya ng pamaha­laan laban sa CoVid-19 ang barangay executives na hindi bakunado dahil sila ang inaatasan na magpatupad ng pataka­ran na nagtatakda ng limitasyon sa mga hindi bakunadong residente.

“Kung talagang hindi pa bakunado, puwede naman kayo (barangay captains) mag-resign o kaya mag-leave kayo hangga’t hindi tapos ang CoVid-19. Nakahihiya kayo. Biro ninyo, kayo ang magpapatupad ng batas tapos kayo pala ‘di bakunado,” ani Diño sa panayam sa Super Radyo DZBB.

Giit niya, puwedeng arestohin ang mga opisyal ng barangay na ayaw magpabakuna alinsunod sa mga umiiral na ordi­nan­sa ng lokal na pamahalaan.

Nauna nang hinimok ni Dino ang mga kapitan ng barangay na magpa­gawa ng tarpaulin na nakalagay ang larawan ng kanilang pagpapa­bakuna upang maging huwaran ng kanilang nasasakupan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …