Sunday , December 22 2024
Bongbong Marcos BBM

Kapag nanalong presidente si BBM,
P328-B ILL-GOTTEN WEALTH, UNPAID TAXES NG MGA MARCOS, GOODBYE NA

MALABO nang mabawi ni Juan dela Cruz ang P328-bilyong ill-gotten wealth at unpaid taxes ng pamilya Marcos kapag naluklok sa Malacañang si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Malaki rin aniya ang tsansa na buwagin ni Marcos, Jr., ang Presidential Commission on Good Government (PCGG), ang ahensiya ng pamahalaan na itinatag ni dating Pangulong Corazon Aquno na may tungkuling bawiin ang nakaw na yaman ng mga Marcos, kanilang pamilya, at cronies.

“That’s really the problem. If Bongbong Marcos becomes president, I do not expect the P125 billion to be recovered anymore. He’ll probably abolish PCGG,” sabi ni Carpio sa 1Sambayan TAPATan media forum kahapon.

“There’s a bigger problem because he owes the government P203 billion as of now for the estate tax. He has been ordered by the court to pay, he refuses to pay up to now,” dagdag niya.

“Nobody seems to hold him into account for that. If he becomes president, lalo na. Goodbye na ‘yan. That 203 billion, if you do not collect that in five years, you do not even send a demand letter that prescribes, hindi mo na makokolekta ‘yan.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …