Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual
Piolo Pascual

Piolo may pakiusap sa matitigas ang ulo ngayong pandemya

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibongga

MASAYANG-MASAYA si Piolo Pascual sa kanyang big comeback sa ASAP Natin ‘To kahapon, January 9, dahil binigyan siya special welcome ng main hosts at performers ng show. 

Itinampok sa The Greatest Showdown ang mga pinasikat na kanta ni Piolo at nakasama niyang kumanta sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez. Inawit din ni Piolo ang latest single niyang Tawag Mo.

Umalis si Piolo sa ASAP para maging main host ng Sunday Noontime Live (SNL), na nag-premiere sa TV5 noong October 18, 2020 at nagtapos noong January 17, 2021.

At sa muli niyang pagbabalik sa ASAP ay talaga namang na-miss siya ng kanyang mga kasama sa show at sinabing excited sila sa pagbabalik ng Ultimate Heartthrob.

Samantala, maaga ring ipinagdiwang ang birthday ni Piolo sa ASAP. Sa January 12 pa talaga ang kaarawan niya.

At kasama sa pagsasabi ng wish niya for his birthday ay ibinalita rin niya ang mga proyektong ginagawa niya sa ABS-CBN pati ang mga dapat abangan sa kanya ngayong 2022. “

Aside from getting older by a year… I’m starting a new series with Angelica (Panganiban). I’m working on ‘Flower of Evil’ with Lovi Poe. I have so much to do this year. Ang wish ko lang, ang prayer ko is for us to be safe para dire-diretso ang trabaho. And for all those na matitigas ang ulo na magpakabait at makinig sa mga protocols para hindi na lumaganap ang virus. At saka lahat sana tayo healthy.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …