Sunday , December 22 2024

Utos ni Año
IMBENTARYO VS DI-BAKUNADO, KILOS LIMITADO

011322 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

IPINASUSUMITE ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga barangay sa buong bansa ang listahan ng mga residenteng hindi bakunado kontra CoVid-19 upang malimitahan ang kanilang kilos.

Ang direktiba ni Año na imbentaryo sa mga barangay ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag palabasin sa bahay ang mga ‘di-bakunadong indibidwal.

“Para po masiguro iyong datos natin ng mga unvaccinated nagpalabas po si Secretary Año ng Memorandum Circular para magsagawa ng imbentaryo ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman iyong mga hindi pa nagpapabakuna sa mga Barangay in line with the pronouncement of the President na i-restrain o re-strict iyong movement ng ating mga unvaccinated individuals,” ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa Public Briefing kahapon.

Kapag may imbentaryo na aniya, ay maipatutupad na ng lokal na pamahalaan ang ordinansa hinggil sa restriksyon ng kilos ng mga hindi bakunado.

“It all begins with an inventory and then pag mayroon na po tayong imbentaryo doon na po i-implement ng LGU through a ordinance iyong mga restrictions sa movement ng mga unvaccinated individuals,” ani Malaya.

Sa kasalukuyan aniya ay tatlong siyudad sa Metro Manila, ang Makati, Navotas at Pasig, ang hindi pa naipapasa ang ordinansa sa paglilimita ng kilos ng hindi bakunado.

            Inaasahan na susunod na magpapasa rin ng katulad na ordinansa ang mga lalawigan kasunod ng resolution ng League of Provinces na humihimok sa mga miyembrong probinsiya na limitahan ang kilos ng mga hindi bakunado.

May 97 barangay sa Metro Manila ang kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown.

Kaugnay nito, ipatutupad na simula sa Lunes ng Department of Transportation (DOTr) ang “no vaccine, no ride policy” sa lahat ng pampublikong sasakyan  habang nasa Alert Level 3 o mas mataas pa ang Metro Manila.

Batay sa direktiba ng DOTr sa lahat ng operator ng public transport, pasasakayin lamang ang mga pasaherong makapagpapakita ng vaccine card at valid government-issued ID na may larawan at address.

Sakop ng kautusan ang “all domestic travel, to, from, and within National Capital Region via public transportation, by land, rail, sea and air.”

Exempted sa naturang patakaran ang may medical condition at bibili ng essential goods and services.

28 LUGAR PA ALERT LEVEL 3 NA

ISINAILALIM ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang 28 lugar sa bansa simula sa 14 Enero hanggang 31 Enero 2020 bunsod ng pagtaas ng CoVid-19 cases at paglaganap ng mas nakahahawang Omicron variant.

Sa kalatas ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, tinukoy ang mga lalawigang nasa Alert Level 3 gaya ng Benguet, Kalinga, at Abra sa Cordillera Administrative Region; La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1; Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2; Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3; Quezon Province sa Region 4-A; Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B; at Camarines Sur at Albay sa Region 5.

Habang nasa Alert Level 3 sa Visayas ang Bacolod City, Aklan, Capiz at Antique sa Region 6; Cebu City at Mandaue City sa Region 7; at Tacloban City sa Region 8.

Inilagay rin sa Alert Level 3 sa Mindanao ang Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; Butuan City at Agusan del Sur sa CARAGA; at Cotabato City sa BARMM.

            Lahat ng lalawigan at siyudad na hindi binanggit ay mananatili sa kasalukuyang alert level classification. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …