Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Migo Adecer Katrina Mercado

Migo Adecer ikinasal na sa kanyang non-showbiz girlfriend

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMI ang nagulat sa biglang pagpapakasal ng Starstruck Batch 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado last December 30, 2021 sa Hong Kong.

Ibinahagi nina Migo at Katrina sa kanilang Instagram ang mga larawang kuha sa kanilang kasal kasama  ang ilang miyembro ng kanilang pamilya sa isang yate sa Hongkong, na roon din ginawa ang reception.

Maraming TV show nang nagawa si Migo tulad ng The One That Got Away, My Love From the Star, Ika-5 Utos, Project Destination, Sahaya, My Fantastic Pag-Ibig, at Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Bahagi rin siya ng gag show ng NET25, ang Quizon CT  na aarangkada na.

Ang Quizon CT o  Quizon Comedy Theater’ ang pinakabagong gag show ng NET25 na punompuno ng mga nakatatawa at nakaaaliw na jokes at punchlines, na aarangkada na sa January 9, 2022, at mapapanood tuwing Linggo, 8:00 p.m..

Literal na pinagsama ang ‘laugh’ at ‘trip’ sa comedy show na ito na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy.

Pinagbibidahan ito ng mga anak ni King of Comedy Dolphy, na sina Eric, Epi, at Vandolph Quizon.

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon. Tampok din dito sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth, at Billie Hakenson.

Ang Quizon CT ay idinidirehe nina Eric at Epi.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …