Friday , November 22 2024
Eric Domingo FDA

Domingo nagbitiw bilang FDA chief

KUNG kalian tumataas ang kaso ng CoVid-19  at nakapasok na sa bansa ang Omicron variant ay saka nagbitiw si Dr. Eric Domingo bilang Food and Drug Administration (FDA) director general.

Kinompirma ni Domingo na epektibo ang kaniyang pagbibitiw kahapon.

Naniniwala si Domingo na nagawa na niya ang kanyang papel sa pagtugon sa pandemya.

“I think I did my part to help during the pandemic. I’m happy with that but now it is time to move on to other things,” aniya.

Ayon a DOH Media Team, si Dr. Oscar Gutierrez, ang deputy director general ng FDA, ang magsisilbing officer-in-charge sa binakanteng puwesto ni Domingo.

“Yes. We confirm the resignation of FDA Director General Eric Domingo. Dr. Oscar Gutierrez, Deputy Director General, FDA, was assigned as OIC,” ayon sa pahayag ng DOH. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …