SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
OKEY na pala si Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto lalo na kay Julia Barretto.
Sa virtual media conference ng Sanggano, Saggago’t Sanggwapo @: Aussie! Aussie! O Sige! na mapapanood na simula ngayong araw, December 31, 2021 sa Vivamax, naikuwento ni Dennis na medyo okey na sila ng kanyang mga anak at inaming nagkulang siya sa mga ito.
Aniya, dahil sa pagkukulang niya bilang tatay sa mga anak, babawi siya sa mga ito at ipararamdam ang wagas na pagmamahal.
“Okay naman (kami ni Julia at iba pang mga anak). Although siyempre parang nagsisimula ka ulit. So, galing kami sa misunderstanding. So now nagsisimula pa lang kami. So one step at a time, building it up again,” ani Dennis.
Sinabi pa ng veteran comedian na mahalagang open ang communication para lahat ng nararamdaman pwedeng nasasabi agad.
“So ganoon din sa side nila, kailangan naka-open ‘yung communication at tuloy-tuloy para mayroon kayong magandaang napag-uusapan, may magandang napupuntahan ‘yung mga topic ninyo,” sambit pa ng isa sa bida Sanggano, Saggago’t Sanggwapo @: Aussie! Aussie! O Sige! kasama sina Janno Gibbs at Andrew E.