Sunday , December 22 2024
Duterte Money Visayas Mindanao

Inilaan ng Duterte admin
P2-B SA VISAYAS AT MINDANAO PARA SA BINAYO NI ‘ODETTE’

ni ROSE NOVENARIO

DALAWANG bilyong piso ang inilaan ng administrasyong Duterte para sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng bagyong Odette.

“I can release more or less 2 billion. So this amount will be divided among all the areas that were hit by the typhoon. We’ll see if we can release it sooner, I can promise you this,” ayon kay Pangulong Rodrigo  Duterte sa situation briefing sa Maasin City, Southern Leyte kama­kalawa.

Aminado ang Pangu­lo na hindi sapat ang halaga pero mas mahala­ga na mabigyan agad ng ayuda ang mga tao at manumbalik sa normal ang sitwasyon.

“It’s worth billions but it’s not actually enough to cover the devastation. If you were to give help to everyone in one area and make reparations for the damage, that amount won’t suffice. But with that amount, you can divide it amongst yourselves.”

Inutusan ni Duterte ang Department of Energy (DOE) na ibalik sa lalong madaling panahon ang supply ng koryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Ipinaliwanag niyang nagpatawag na siya ng pulong sa budget officials dahil walang masyadong natirang alokasyon sa nalalabing huling buwan ng taon at malaking bahagi ng savings ng gobyerno ay ginugol sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic.

Bukod sa meeting sa Leyte officials, pinangu­na­han din ni Duterte ang pamamahagi ng relief packages at cash assistance sa mga apekta­do ng bagyo.

Nauna rito’y nag­sagawa ng aerial inspection ang Pangulo sa Surigao City, Siargao Island, Dinagat Island at Southern Leyte para tingnan ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Batay sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga, ang mga apektado ng bagyong Odette ay mahigit 180,000 pamilya o 700,000 indibidwal sa 2,200 barangay sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Kaugnay nito, sa kanyang paskil sa Facebook kahapon ng 5:00 pm,  sinabi ni Bohol Gov. Arthur Yap, 72 ang naitalang nasawi bunsod ng bagyo batay sa ulat ng 42 sa 48 local government units (LGUs) sa lalawi­gan.

Nanawagan si Yap ng donasyon na 300 generator sets para sa operasyon ng water refilling stations sa lahat ng siyudad at munisi­palidad para mabigyan ng supply ng drinking water ang mga mamama­yan.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …