Friday , November 15 2024

Dahil sa campaign rallies
DUTERTE KABADO COVID-19 SURGE BAKA BUMALIK

ni ROSE NOVENARIO

NANGANGAMBA si Pangulong Rodrigo Duterte na maranasan muli sa bansa ang paglobo ng kaso ng CoVid-19 dahil sa pagsuway sa health protocols sa idinaraos na mga campaign rally ng mga kandidato para sa halalan sa 2022.

Hiniling ni Pangulong Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na tiyakin nasusunod ang health protocols, partikular ang social distancing sa campaign rallies.

“Ang problema rito ganito, mabuti maraming nabakunahan medyo na that’s a lesser casualty now but do not tempt the gods. Huwag mo hingin talaga na ikaw humingi sa aabot sa atin kung hahayaan natin na ganito,” ani Duterte sa Talk to the People kagabi.

“I’d like to call the attention of the Comelec, kayo man ang ano. You are the ones supervising the elections, as a matter of fact, you are running the show… Could you not just issue a… i-maintain lang ang social distancing,” dagdag niya.

Ipinanukala ng Pangulo ang Luneta para maging venue ng campaign rallies.

“Hindi na kung gaano karami. Punuin ang Luneta as long as you maintain the regulations imposed by government kasi mahirap ito pag nagbalik. It might come back of vengeance,” aniya.

Tiniyak ng Pangulo na tutuparin ang pangakong isusulong ang “peaceful and hones elections” sa 2022 gaya ng kanyang iniulat sa Summit for Democracy ni US President Joe Biden.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …