Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Castillo, Klinton Start, Aspire Magazine

Aspire Magazine Philippines parangal sa mga bukas palad sa pagtulong

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGING matagumpay ang soft launching ng Aspire Magazine Philippines na nasa cover  ang dancer/actor na si Klinton Start last December 11 na ginanap sa Sangkalan Restaurant, Visayas Ave., Quezon City sa pangunguna ng publisher nitong si Allen Castillo.

Nagkaroon ng mini-fashion show kasama ang ilang kids at teen models ni Allen na dinamitan ng ilan sa sikat na designers sa bansa.

Mga modelo na nangangarap na makilala sa mundo ng modelling, entertainment business, at pageants ang mga rumampa at nakapaloob sa magazine.

Nagulat ang mga entertainment press na naimbitahan dahil sa sobrang kapal at bigat ng Aspire Magazine Philippines na may 604 pahina.

Kuwento ni Allen (CEO & President ng Aspire), ”Sir John all in all  604 pages po, we want po kasi na sulit at siksik ang babasahin nila!”

Naibahagi rin ni Allen kung pano nabuo ang Aspire Magazine Philippines, ”Kasi po dahil sa depression na dulot ng pandemya, I came up with a plan kung paano hindi mamamatay ang idustriya, roon po nabuo ang ‘Aspire!’”

Ang konsepto nga ng Aspire Magazine Philippines ay ang pagbibigay parangal sa mga inspiring Pinoys na handang dumamay sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong, mga mahuhusay na Pinoy fashion designers.

At ang objective nito ay, ”To be the storyteller po of all the stories of inspiring people, the aspirants, iyong mga unsung heroe natin na hindi nakikilala ng iba, itong mga media, photographers, make-up artists, fashion designers, etc. Lagi kasi po mga artista, models lang, but this time, lahat po ng mga inspiring personalities.”

Mula sa Aspire Magazine Philippines ay magkakaroon na rin ito ng Aspire Magazine Global 2022 na ‘di na lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo na ang mabibigyang parangal sa mga taong bukas palad ang pagtulong at inspirasyon sa maraming tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …