Friday , May 9 2025

Sa Calbayog City, Samar
VETERAN JOURNALIST PATAY SA PAMAMARIL

120921 Hataw Frontpage

ISANG beteranong mamamahayag na nakabase sa Pampanga ang binawian ng buhay matapos barilin sa loob ng kanilang tindahan nitong Miyerkoles ng gabi, 8 Disyembre, sa lungsod ng Calbayog, lalawigan ng Samar.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Jesus “Jess” Malabanan, 58 anyos, correspondent ng Manila Standard, Bandera, at stringer ng Reuters; residente sa Langka St., lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, nanonood ng telebisyon ang biktima nang makarinig ng putok ng baril ang kanyang asawa ngunit hindi niya nakilala ang dalawang suspek na bumaril sa ulo ni Malabanan.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Dinala si Malabanan sa St. Camillus Hospital sa nabanggit na lungsod upang lapatan ng atensiyong medikal ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Samantala, mariing kinondena ng Pampanga Press Club ang pamamaslang sa kanilang miyembro.

“Jess to many among us, a long-time reporter and stringer for many media outfits for many years, had proven himself to be a man dedicated to his duties as a journalist,” bahagi ng pahayag ng Pampanga Press Club.

Nananawagan rin ang grupo sa Philippine National Police at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan at madakip ang mga salarin.

Sa paskil ng isa pang beterano at premyadong mamamahayag na si Manny Mogato, ang pagpaslang kay Malabanan ay nakahihindik na balita.

Ayon kay Mogato, nakilala niya si Jess, bilang defense reporter noong huling bahagi ng dekada 80 at malaking tulong sa kanya sa pangangalap ng istorya sa Pampanga noong siya ay Reuters political correspondent sa loob ng 15 taon mula 2003.

Aniya, malaki ang naitulong ni Jess sa Reuters sa drug war stories na nagwagi ng Pulitzer noong 2018.

“I joined fellow journalists in condemning the assassination of Jesus Yutrago Malabanan, is totally unacceptable: Justice for Jess,” mensahe ni Mogato sa kanyang paskil sa social media. (KLGO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …