Wednesday , May 7 2025

Bong Go umatras sa 2022 prexy race

Hataw Frontpage Bong Go umatras sa 2022 prexy race

ni ROSE NOVENARIO            

TINULDUKAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang ambisyong maluklok bilang susunod na pangulo ng Filipinas sa 2022, kahapon.

Sa paggunita sa ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacion sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City , inianunsiyo ni Go ang tuluyan niyang pag-atras bilang presidential candidate sa halalan sa susunod na taon.

“I realize that my heart and my mind is contradicting my own actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan that is why I am withdrawing from the race,” aniya.

Inamin ni Go, nabigla siya sa naging desisyon ng PDP-Laban na gawin siyang standard bearer ng Partido.

“Habang tumatagal at umiinit ang politika sa bansa, mas lalo ako napapaisip kung ano ang mas makabubuti sa taongbayan,” sabi ni Go.

Ayaw rin talaga aniya ng kanyang pamilya na lumahok siya sa presidential derby at hindi rin niya gusto na lalong maipit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahang ngayon pormal na ihahain ni Go ang withdrawal ng kanyang certificate of candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, magpupulong ang mga miyembro at opisyal ng PDP-Laban upang pag-usapan ang kaganapan.

Ayon sa political analyst at UP professor na si Jean Franco, hindi na siya nagulat sa pag-atras ni Go sa presidential race dahil mahina naman talaga siyang kandidato.

“People know that he is just following orders from Duterte. Hindi mata-transfer sa kanya ang charisma ni Duterte. Para sa akin wala talaga masyadong botong maita-transfer kasi hindi nila talaga iboboto si Go kahit pro-Duterte sila,” ani Franco sa Frontline News kagabi sa News5.

Maituturing aniyang isang patay na partido ang PDP-Laban kapag hindi napagkaisa ni Pangulong Duterte bago ang 2022 elections.

Para kay Bayan Muna chairman at Makabayang senatorial candidate Neri Colmenares, ang withdrawal ni Go sa presidential race ay isang desperadong makasariling pagtatanggka na isalba ang pabagsak na alyansang Duterte-Marcos.

Malinaw aniya simula pa lang na maliit ang tsansa na manalo si Go at ginagamit lamang siyang pamato ni Pangulong Duterte upang makakuha ng mga konsesyon mula sa anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr.

Ani Colmenares, batid ng lahat na hindi lang basta alalay ni Duterte na naging senador si Go kundi chief political operator ng Pangulo na hinubog niya para makinabang sa kanyang administrasyon at bigyan ng proteksiyon ang Duterte dynasty.

Inihulma umano ni Duterte si Go para maging kalasag niya laban sa mga kasong kriminal na kakaharapin pagbaba sa poder.

Kahit aniya itanggi ni Duterte, natatakot siya sa International Criminal Court (ICC) at sa realidad na siya ang magiging unang Asyano na mahahatulan at mabibilanggo dahil sa crimes against humanity.

“Even if Duterte does not admit it, he is afraid of the International Criminal Court and the reality that he could become the first Asian to be convicted and jailed for Crimes against Humanity,” sabi ni Colmenares.

Ngayon aniyang magkasangga na sina Marcos at anak ni Duterte na si Mayor Sara sa 2022 elections ay naging bargaining chip o pamato na lang si Go ng kanyang amo.

“Ganito ang mangyayari sa mga sumasanib sa mga Duterte para sa kanilang agenda. Walang forever sa poder. Gagamitin lang kayo, iiwanan sa ere, tapos mahahatak pababa,” ayon kay Colmenares.

“May this serve as a warning to all politicians who will seek anointment from the President and his family in 2022,” pagtatapos ng militanteng mambabatas.

About Rose Novenario

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …