Sunday , December 22 2024
Bong Go

Kandidatura sa VP binawi
BONG GO ATRAS ULIT SA PRESIDENTIAL RACE

AATRAS na sa 2022 presidential race si Sen. Christopher “Bong” Go.

Ito ang pahayag ni Cagayan Gov. Manuel Mamba, isa sa 50 gobernador na dumalo sa pulong kamakalawa ng gabi sa Malacañang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng administrasyon.

Ayon kay Mamba, napaluha si Go nang magtalumpati sa meeting at humingi ng paumanhin at sinabing hindi pa niya siguro panahon para maging susunod na pangulo ng bansa.

“Ang nasabi niya is nagpapaumanhin siya, humingi ng sorry na sinabi niya na hindi pa niya panahon siguro at ayaw din niyang nasasaktan at parang mahihirapan ang ating Pangulo. The way I understood it is umaatras siya sa presidential race. He was emotional at napaluha pa siya,” ayon kay Mamba sa panayam sa Frontline Tonight kagabi.

Nahihirapan umano si Go na iba ang grupo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa grupo ni Pangulong Duterte.

“Ganoon ang pagkasabi niya na ayaw na niyang mahirapan ang presidente, ‘yun na nga iba ‘yung kinaanibang grupo ni Mayor Inday Sara at iba naman ‘yung grupo ni Presidente, ayaw niyang mahirapan ang ating presidente.That’s how he said it sa kanyang speech and napaiyak siya at napaluha siya habang sinasabi iyon,” ayon kay Mamba.

Lalo aniyang nasorpresa ang lahat sa pahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya matatanggihan ang pag-atras ni Go sa presidential elections.

“Sabi rin ng ating presidente , well nagkausap sabi niya, siya na ang nagsasabi na umaatras siya, the cat is out, who am I to refuse,” ani Mamba.

“So lahat iyon, I see it as a sign nang pag-atras niya. Ang impresyon ko ay wala na. The way the President said it. In fact ang sabi ng ating presidente, tutulong na ako sa inyo lets go around , hindi na ako makikialam I’ll just go around kung kinakailangan n’yo ako , I will endorse you if you still need my support. Talagang nagbabayad lang ako ng utang na loob sa inyo,” sabi ni Mamba.

Ayon kay Mamba, katabi niya sa pulong sina dating Presidential Spokesman Harry Roque at Cabinet Secretary Karlo Nograles na parehong nagulat sa mga sinabi nina Pangulong Duterte at Go.

“The president did not endorse any presidential candidate in that fora,” ayon kay Mamba. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …