Saturday , April 26 2025

Simula sa Disyembre
NO VACCINE NO WORK, SIMULA SA DISYEMBRE

112421 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

SIMULA sa 1 Disyembre 2021, ipatutupad na ang “no vaccine, no work” policy at papayagan lamang ang mga empleyadong hindi bakunado kontra CoVid-19 pero sariling gastos nila ang regular RT-PCR o swab test.

Nakasaad ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolutions No. 148 at No. 149, may petsang 12 Nobyembre at 18 Nobyembre, na nag-aatas sa lahat ng establisimiyentong pribado o publiko, kailangan bakunado ang lahat ng on-site workers at ipatutupad muna sa mga lugar na may sapat na supply ng CoVid-19 vaccines.

Ang National Vaccines Operations Center ang tutukoy sa mga lugar na ito.

Sasagutin ng mga hindi bakunadong on-site workers ang regular o isang beses kada dalawang linggong RT-PCR para makapasok sa trabaho.

“Those who do not want to be vaccinated but have to report on-site can report, but they have to be tested at their own expense,” sabi ni Labor Assistant Secretary Teresita Cucueco.

Hindi aniya maglalabas ng labor advisory ang DOLE hinggil sa IATF policy.

Puwede aniyang ipatupad ang “no work, no pay” sa on-site workers na tumangging magpabakuna at walang maipresentang negative RT-PCR test.

“The worker may work from home if there is a work-from-home arrangement. But if there’s none and the worker is really needed on-site, the worker can work but should undergo testing. Now if they still refuse that, any remaining leaves may apply. If there are no more leaves, they would have to go to ‘no work, no pay,’” dagdag niya.

Gayonman, aminado ang labor official na walang penalties na kaakibat sa nasabing IATF resolution.

Paalala ng DOLE, hindi puwedeng magtanggal ng empleyado dahil hindi bakunado.

Umalma ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa naturang patakaran dahil mabigat at napakamahal ng RT-PCR test.

“Ito ay kontra o lumalaban sa batas na Republic Act 11525 na hindi dapat mandatory ang vaccination sa ating bansa,” ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP.

Ipinanukala ni Tanjusay na magbigay ng insenstibo ang gobyerno sa mga obrero para mahikayat na magpabakuna.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …