Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, Legal Wives

Dennis nabigatan sa Legal Wives, romcom naman ang gustong next project

Rated R
ni Rommel Gonzales

MAGWAWAKAS na sa ere ngayong Biyernes ang Legal Wives sa GMA. Bida rito si Dennis Trillo bilang si Ismael, at ang mga legal wives niyang sina Alice Dixson (Amirah), Bianca Umali (Farrah), at Andrea Torres (Diane).

Heavy drama ang Legal Wives kaya natanong si Dennis kung ano ang gusto niyang next project, drama ba ulit o iba naman?

“Gusto ko light naman,” sagot ng Kapuso Drama King. 

“Gusto ko medyo, parang mga romcom, ganoon, basta ‘yung light. Gusto ko ‘yung malayo sa heavy drama, ‘yung hindi ko kailangang umiyak, ‘yung puro ngiti at saka tawa at pagmamahal lang ‘yung mga mangyayari.”

Ano ang aral na natutunan niya sa journey sa Legal Wives?

“Siguro ‘yung pinakaimportanteng lesson ay ‘yung pagrespeto sa kultura, pagrespeto sa relihiyon, at lalong-lalo na, pinakaimportante ang pagrespeto sa mga tao.

“Mapa-Maranaw man ‘yan, Islam o Kristiyano, ‘yung respeto sa tao. 

“Iyon siguro ‘yung pinakaimportanteng natutunan ko dahil maraming mga tao na hindi nagagawa ‘yung respeto dahil hindi nila nauunawaan ‘yung mga bagay, hindi nila nakikilala ‘yung mga tao, ‘yung mga pinagdaanan nila.

“Pero rito sa show na ‘to siyempre pinag-aralan namin sila kaya nakilala namin at mas naintindihan, so siguro roon kami humanga sa kanila kaya ‘yung respeto talaga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …