Saturday , November 16 2024
Jefry Tupas, Sara Duterte

Bata ni Sara ‘dawit’ sa PDEA drug raid

SINIBAK ni Davao City Mayor Sara Duterte si Jefry Tupas bilang kanyang City Information Officer (CIO) matapos madawit sa drug raid sa Mabini, Davao de Oro noong Sabado.

“Last Sunday, Jefry signified his resignation and on the same moment he was informed that he is terminated from with the City Government of Davao,” anang alkalde sa kalatas kahapon.

Nauna rito’y inamin ni Tupas na dumalo siya sa beach party na sinalakay ng mga awtoridad na nakakompiska ng halagang P1.5 milyon party drugs.

Ayon kay Tupas, wala sila ng kanyang boyfriend sa party nang dumating ang raiding team.

Matapos pumutok ang presensiya sa naturang birthday party, agad na isinara (deactivate) ni Tupas ang kanyang social media accounts.

Bago naging information officer ng Davao City noong 2016, naging correspondent si Tupas ng iba’t ibang local at national newspaper, naging founder ng isang online news platform at naging manager ng isang news radio station.

Naging grand prize winner si Tupas sa European Union Peace Journalism Award noong 2015. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …