Friday , November 22 2024

Sa illegal drug trade
‘KONEK’ NI YANG IKAKANTA SA SENADO

110921 Hataw Frontpage

KINOMPIRMA ni Sen. Richard Gordon na nakahanda si dating police Col. Eduardo Acierto na humarap sa pagdinig sa Senado upang patunayan na may kaugnayan sa illegal drug trade si dating presidential economic adviser Michael Yang.

        “We nonetheless confirm that Acierto, through an emissary in the Senate, is now ‘more than willing’ to testify on Yang’s alleged drug involvement in the course of the current investigation on the alleged anomalous transactions on the use of the pandemic funds,” ani Gordon sa isang kalatas kahapon.

Sa inilabas na recorded video ni Acierto sa Rappler at Philippine Star , inilahad ng dating police colonel na kung hindi itinago ang kanyang intelligence report hinggil sa koneksiyon nina Yang at Alan Lim, parehong malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay hindi sana naganap ang katiwalian sa medical supplies deal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa administrasyong Duterte.

“Kung hindi itinago ang report ko kay Yang at Lim, hindi nangyari ang korupsiyon ng Pharmally. Walang nanakaw na pera ng bayan. Hindi nalagay sa panganib ang buhay ng health workers dahil sa delayed, substandard o expired na face masks at face shield,” sabi ni Acierto sa video.

“Wala po akong planong magtago o tumakas o hindi panindigan ang aking intelligence report,” dagdag niya.

Itinanggi ni Gordon na may hinarang ang Senate Blue Ribbon Committee na pagsasapubliko na intelligence report noong Disyembre 2018.

Nang hingin niya umano kay Acierto ang mga dokumento para sa cross-examination, hindi na nagpakita ang dating police colonel.

Pinayohan ni Gordon si Acierto na magsumite ng pirmadong affidavit sa Senate Blue Ribbon Committee bago pagbigyan ang hirit ng dating police colonel na makadalo sa Pharmally investigation.

Kaugnay nito, minaliit ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag ni Acierto.         “Naku sinabi na po ni Presidente sa isang Talk to the People – sinungaling po iyang si Acierto at hindi dapat paniwalaan. Iyan po ay nanggaling na sa bibig mismo ng Presidente, iyan po ang pananaw ng ating Presidente,” sabi ni Roque kahapon.

About Rose Novenario

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …