Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Muntinlupa

Mas mahigpit na protocol ipaiiral ng Munti

MAGPUPULONG ngayong araw, 8 Nobyembre, ang  Sangguniang Panglungsod ng Muntinlupa upang magpalabas ng lokal na panuntunan na maaaring mas mahigpit sa itinakdang Guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases para pairalin sa lungsod.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, kinikilala ng city government ng Muntinlupa ang pagpapalabas ng epektibong latest guidelines, may petsang 4 Nobyembre 2021, sinasabing sa ilalim ng Alert Level 2, ang ilang establisimiyento ay pinapayagan sa 50% indoor venue capacity para sa fully vaccinated individuals at para sa 18-anyos kahit ‘di bakunado habang nasa 70% ang venue capacity ng outdoor.

Gayonman, dahil pinapayagan ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng kanilang sariling guidelines,  ipinauubaya ng CGM sa Sangguniang Panglungsod ang pagbuo ng batas na paiiralin sa lungsod, sa isasagawang regular sesyon ngayon.

Ngayong mas pinaluwag ang restrictions tulad ng pagpayag makalabas ng bahay ang mas maraming tao, nanawagan ang alkalde sa residente at hindi taga- lungsod na nagtutungo sa mga establisimiyento na palaging sumunod sa minimum health standards at mas masusing pag-iingat upang makaiwas sa CoVid-19.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …