Thursday , January 2 2025
Abet Garcia, Jose Enrique Garcia III, Bataan NCAP

Road safety, increase productivity, prayoridad ng Bataan sa NCAP

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NAGSIMULA nang magpatupad nitong nakaraang linggo ng No Contact Apprehension Program o NCAP ang provincial government ng Bataan.

Sumunod na rin sa ibang LGUs ang naturang bayan sa paggamit ng makabagong pamamaraan ng paghuli sa mga lumalabag ng batas trapiko sa pamamagitan ng mga high-tech na camera na nakatalaga sa iba’t ibang lugar sa siyudad.

Itong mga high-tech camera ay may kakayahang makunan nang malinaw na retrato ang mga plaka ng mga lumalabag na mga sasakyan, mapapampubliko man ito o pribado.

Ang kahabaan ng 68-km na Roman Highway mula Dinalupihan hanggang Mariveles ay dinaraanan ng iba’t ibang uri ng pribado at pampublikong sasakyan lalong-lalo ang iba’t ibang uri ng truck, mapa-cargo man o tanker truck.

Matatagpuan rin sa Bataan ang sentro ng komersiyo na Freeport Area of Bataan at may presensiya ang 90 multinational companies kung kaya’t importanteng ruta ito ng maraming negosyo at komersiyo.

Maraming layunin para tuluyang mapalago ang ekonomiya ng Bataan sa ilalim ng pamunuan  ni Gov. Abet Garcia at unang-una na rito ang matatag na impraestruktura na magsusulong ng elonomiya at magpoprotekta sa mga mamamayan.

Ayon sa datos noong 2019, tinatayang nasa P3.5 bilyon ang nawawala dahil sa matinding trapiko. Kabilang rito ang krudong nasusunog, ang oras ng empleyado na nahuli sa pagre-report sa trabaho, at ang halaga ng mga pinsala na nagdudulot ng mga aksidente sanhi ng mga pasaway na driver.

Ayon mismo kay Rep. Jose Enrique Garcia III,  naroon noong inilunsad ang programa, sa partnership na ito ay maaasahan na magdudulot ng mas magandang daloy ng sasakyan sa Roman Highway at makaiiwas na sa aksidente dahil ang apprehension ay 24/7.

Talagang mamo-monitor din umano ang mga sasakyan kaya malaki ang maitutulong nito para makabawas sa mga aksidente at pinsala sa buhay.

Nawa ay maging matagumpay ang programang ito na naisagawa na rin sa mga ibang siyudad.

Mapapansin na naging mas disiplinado ang mga driver sa mga siyudad kung saan may NCAP sa takot na matiketan at pagmultahin kapag sila ay nahuli.

Sa ganyang sistema ay aayos ang daloy ng mga sasakyan at magkakaroon tayo ng mas kaunting oras sa kalsada, at mas maraming oras para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

SA LOOB ng tatlong minuto mabilis na nagresponde ang mga bombero at ambulansiya sa multi-story …

Kuwait

Pinay sa Kuwait nakapatay ng bata
Alagang paslit inilagay sa washing machine

ISANG babaeng overseas Filipino worker (OFW) ang iniulat na nakapatay ng alagang paslit nang ipasok …