Wednesday , December 18 2024
Enchong Dee, Angel Locsin, Dimples Romana, Coco Martin, Jodi Sta Maria, Anne Curtis, MMK

Enchong, Coco, Jodi, Anne, Dimples, at Angel tampok sa 30th anniversary ng MMK

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BONGGANG-BONGGA ang ika-30 anibersaryo ng Maalaala Mo Kaya dahil tampok ang mga premyadong aktor na sina Enchong Dee, Coco Martin, Anne Curtis, Dimples Romana, at Angel Locsin kasama ang mala-inspirasyon, pag-ibig, at pag-asang kuwento.

Bibigyang buhay ni Echong ang kuwento ni Edwin Pranada sa unang Sabado ng Nobyembre. Si Edwin na buong buhay ang tanging hiling niya ay makita ng ina ang kanyang effort tulad ng naibibigay nitong pagpapahalaga sa kanyang mga kapatid. Sa umpisa, namulot siya ng basura para kumita ngunit nang tumagal ay napagod siya at napunta sa pagbebenta ng drugs at panloloko ng mga tao. Panoorin kung paano niya nabago ang kanyang ugali at maging isang kilalang cosmetic tattooist na nagbibigay ng libreng service sa mga taong may alopecia.

Mapapanood naman muli ang unang pagtatambal nina Coco at Jodi Sta Maria sa Nob.13 (Sabado). Gagampanan ni Coco si Ramon, isang underground boxer. Sa kanyang pagbubuo ng pamilya kasama ng asawang si Mila (Jodi), pinili niyang lisanin ang nakagisnang buhay. Ngunit nang magsisimula na siya sa kanyang bagong tatahakin ay makagagawa siya ng isang krimen na magdudulot ng sakit at galit mula sa kanyang pamilya. Alamin kung paano siya nagbago at maging isang mabuting tatay at asawa sa kanyang pamilya.

Sa Nob.20 (Sabado) naman, mababalikan ang kuwento ni Marrz Balaoro, ang founder ng FILGUYS Association sa Hong Kong. Mula pagkabata, alam na ni Marrz na hindi siya tulad ng kanyang mga kapatid na babae. Dahil sa pagtutol ng kanyang ama sa kanyang kasarian, minabuti niyang makipagsapalaran sa Hong Kong para makamit ang inaasam na kalayaan at independence. Sa kabila ng pangungutya ng mga tao, mananaig kay Marrz na yakapin ang kasarian at tulungan ang mga kapwa niyang taga- LGBTQIA community.

Sariwain din ang kuwento ng 2018 Asian Academy Creative Awards Best Single Drama/Telemoviena, Kotse-Kotsehan tampok sina Angel at Dimples. Sa Nob.27, mapapanood ang bersyon ni Samina (Angel) ng kuwento tungkol sa pagkakita niya sa anak ni Idai (Dimples),na sinasabing na-kidnap, at sa pagkupkop niya rito. Patutunayan niya rin ang kanyang pagka-inosente sa binibintang sa kanyang krimen.

Panoorin ang MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …