Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elisse Joson, McCoy de Leon, Feliz Joson de Leon

McCoy at Elisse wala munang kasal focus muna sa baby; Mark De Leon nabigla

MATABIL
ni John Fontanilla

MIXED emotions ang nararamdam ng dating Eat Bulaga’s Mr.Pogi at naging member ng Male AttraXIons na si Mark Deleon, ama ni McCoy Deleon nang malamang nabuntis ng kanyang anak ang naging ka-love team nitong si Elisse Joson.

Kuwento sa amin ni Mark, ”Noong buntis pa lang umamin na sa amin si McCoy while si Elisse ay nasa US.

“Pero  ‘di n’ya sa akin sinabi, sa mommy niya siya unang umamin tapos, mommy  niya  lang ang nagsabi sa akin.

“Bale mixed emotions ‘yung naramdaman ko noong una kong nalaman. Siyempre natakot pero ‘di ako nagalit, masaya  ako at excited sa baby. Mahilig kasi ako sa baby, bukod sa may bago na naman kaming member ng family.”

Nang makausap nga ni Mark ang anak ay binigyan niya ito ng advice.

Nag advice ako sa kanya kung pano magdala ng pamilya. Kung ano-ano-ang responsibilidad niya bilang ama.

“Kagaya rin ng mga payo ng magulang ko noon. ‘Pag may pamilya na, wala ng atrasan. ‘Di na kayo ng partner mo ang apektado kapag nagka- problema. Isipin niyo ‘yung bata at ‘yung kahihinatnan ng bata.”

Sa ngayon ay wala pang napag-uusapang kasal dahil naka-focus sila sa baby.

“Focus pa talaga sila sa baby. Nagkabiglaan kasi eh.”

Happy ang buong pamilya Deleon sa pagdating ng bagong miymebro ng kanilang pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …