Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Upgrade Popinoy
Upgrade Popinoy

Upgrade pasok sa grand finals ng Popinoy

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang UPGRADE na kinabibilangan nina Casey Martinez, Armond Bernas, Mark Baracael, Rhen Enjavi, at Ivan Lat dahil isa ang grupo nilang pasok sa nalalapit na Grand Finals ng TV 5’s Popinoy.

Sa Hip Hop Episode ng Popinoy, muling napabilib ng Upgrade ang mga Head Hunters na sina DJ Loonyo, Kayla Rivera, Mitoy Yonting, at Maja Salvador.

Komento ng mga Headhunter sa performance ng Upgrade, ”Yes sir! Nailapat n’yo lahat ng elements ng hiphop. Kitang-kita ko. Malinaw na malinaw. ‘Yung vibe n’yo damang-dama. ‘Yung DJ-ing part, alam ko ‘yan. ‘Yung streetwear look, pasok.’Yung groove and enjoyment!,” aniDJ Loonyo.

“You are ready!,” sambit naman ni Mitoy.

“Same thing with Mitoy. You are now ready. Kitang-kita ko ‘yung confidence n’yo. Read na kayo,” sabi naman ni Kayla.

“‘Yung costume, look n’yo pang-grandfinals na. Pero parang hiningal kayo sa chorus ng sabay-sabay. Parang nakampante yata kayo?” dagdag ni Maja.

At sa nalalapit na Grand Finals ng Popinoy, matinding paghahanda ang ginagawa nina Casey, Ivan, Armond, Ivan, at Mark para maging kauna-unahang grand winner ng Popinoy.

Bukod sa Upgrade, ang ibang mga grupong pasok sa Grand Finals ng Popinoy ay ang Versus at Fullout (Male Group) at A4OU, Yara, at Neu Climax (Female Group).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …