Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benhur Abalos, MMDA

MMDA chair makikipag-usap sa Baclaran street vendors

HANDA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., na makipag-dialogo sa street vendors partikular sa Baclaran na nasasakupan ng mga lungsod ng Pasay at Parañaque.

Ito ang naging tugon ni Abalos sa biglang pagdami ng bilang ng illegal vendors sa Baclaran matapos ang ibaba ang alert level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat muli ng kinatatakutang CoVid-19.

Naunawaan aniya ang kalagayan ng mga vendor na matagal nawalan ng kita dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19 na dalawang taon nang nanalanta sa buong mundo.

Ngunit nakiusap ang opisyal sa street vendors na kung maaari ay huwag sakupin ang kalsada para sa mga motorista at pedestrian.

Inatasan ni Abalos ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang pagbabantay sa illegal vendors sa Baclaran ngunit iniutos ng opisyal na huwag kukunin ang mga paninda ng mga vendor “for humanitarian reason| dahil alam ng MMDA Chairman na apektado rin sila ng krisis dulot ng pandemya.

Iginiit ni Abalos, dahil sa nalalapit na ang Pasko naunawaan niya ang kalagayan ng mga street vendor na kailangan kumita pero dapat ay may disiplina sa lansangan upang maiwasan ang hawaan ng CoVid-19 at upang maging maayos at masaya ang lahat sa araw ng Pasko.  (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …