Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manila Bay Dolomite Beach

Dolomite beach ground commander sinibak

SINIBAK ang ground commander ng Manila Bay dolomite beach kasunod ng kabiguang pigilan ang pagdagsa ng libo-libong tao sa lugar, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inihayag  ni Environment Secretary Roy Cimatu na tinanggal niya si Director Jacob Meimban, Jr., bilang ground commander ng dolomite beach at pinalitan ni Reuel Sorilla, Director ng Environmental Law Enforcement and Protection Service.

“Being the commander, he takes full responsibility for what happened. While appreciating the gesture of that, kailangan imbestigahan pa rin naman,” ayon kay Cimatu sa isang press briefing.

“I selected a retired general for enforcement because the issue here is enforcement,” dagdag niya.

Inulan ng batikos ang paglabag sa health protocols nang dumugin ang dolomite beach nang buksan muli sa publiko sa nakalipas na dalawang linggo na maaaring maging sanhi ng muling pagtaas ng kaso ng CoVid-19.

Nanawagan kamakalawa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domogoso sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng DENR sa paglabag sa health protocols sa pagbubukas sa publiko ng dolomite beach. (ROSE NOVENARIO)            

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …