Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jay Manalo

JAY MANALO GRADUATE NA SA PAGPAPA-SEXY

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SA ginanap na virtual mediacon ng pelikulang Mahjong Nights nina Jay Manalo, Sean De Guzman, at Angeli Khang produced ng Viva Films na idinirehe ni Law Fajardo ay inalam muna ng una kung ano ang karakter niya sa pelikula.

Dahil kung katulad pa rin ng dati na magpapakita siya ng skin ay tatanggi na siya dahil sa edad niya ngayon, bukod pa sa malalaki na ang mga anak niya, hindi na rin kagandahan ang katawan niya.

Ito ang binanggit ni Jay kay Viva boss Vic del Rosario Jr., ”mag-start daw ako ng new movie sa Viva, medyo sexy. So, sinabi ko naman na ’wag lang ’yong katulad ng dati na medyo daring kasi nga I think I’m too old enough that.”

Noong kainitan ng karera ni Jay kapag may mga bagong ipinakikilang sexy star ay siya kaagad ang leading man o tagabinyag sa mga ito. Mahusay naman talaga kasi ang aktor kahit anong role nito.

Sabi nga niya, ”Ako naman, even before kasi, ’yong mga nilo-launch na new sexy actresses sa akin naman talaga minsan pina-partner. Hindi ko alam kung bakit sa akin o baka kahit paano nakatutulong.”

Huling pelikula ni Jay ang Anak ng Macho Dancer na launching movie ni Sean at supporting lang ang aktor at walang sexy scenes.

Nauna ang Watch Me Kill noong 2018 kaya considered na balik-pelikula ni Jay ang Mahjong Nights bilang bida.

At for the record, sa Viva Films nagsimula ang aktor sa Brat Pack noong 1994 na idinirehe ng nasirang Deo Fajardo Jr. kasama sina Gary Estrada, Ryan Aristorenas, at Anjanette Abayari.

”And ’yong pagbabalik ko sa Viva napakasarap sa pakiramdam kasi alam naman ng lahat na rito ako nag-start.

“Ito talaga ang aking bahay na gumawa man ako sa iba, nanirahan man ako sa ibang production pero ito ang tahanan ko, ang Viva. Rito ako nag-start at dito ko rin gustong tapusin kung anuman ’yong nakalimutan ko rati,” kuwento ni Jay sa mediacon.

Gagampanan ni Jay sa Mahjong Nights bilang stepdad ni Angeli na mino-molestiya siya pero wala namang ipinakitang all the way.

Aniya, ”Kung pupuwede naman kasi ’yong iba gesture na lang. Wala na ’yong mga (totally naked). Puwedeng ’yong half naked, upper body na lang. Sa mga ganoong part ’yong inire-request ko lang.”

Ito siguro ‘yung sinabi ni direk Law na emotions lang ipinakikita ni Jay at nag-a-adlib siya na gusto niya dahil maganda ang ginawa ng aktor.

At dahil graduate na si Totoy Mola na tawag kay Jay sa mga daring scene ay ipinasa na niya ito sa mga new breed of actors tulad ng kasama niyang si Sean na leading man ni Angeli sa pelikula.

”Tulad ng nasabi ko matured na ibigay na natin sa mga sumisibol ’yan. Ibigay na natin sa kanila ’yang titulo na ’yan lalo na riyan kay Sean.

“Si Sean ang daming…may daring ’yan. ’Yong ginawa n’yan hindi ko kaya. Hahaha! Iba ’yan,” tumawang sabi ng aktor.

Anyway, mapapanood ang Mahjong Nights sa Vivamax simula November 12. 

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also starting October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …