Saturday , May 3 2025
Joy Belmonte, Arjo Atayde, QC, Quezon City

Serbisyo sa Bayan Party ni Belmonte ipinakilala; Arjo Atayde para Congressman (Mga konsehal sa Distrito Uno iniharap sa media)

PINANGUNAHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag­papakilala ng kanyang mga minamanok na konsehal para sa Distrito Uno at ang kanyang kandidato para Congressman, ang aktor na si Arjo Atayde, sa pormal na pagpresenta ng mga kandidato ng kanyang lokal na partido, ang Serbisyo Sa Bayan Party (SBP) nitong Sabado sa Gazebo Royale, sa Visayas Avenue.

Tumatakbo bilang re-electionist na SBP mayoral candidate, sinabi ni Belmonte, kailangan niya ang mahuhusay na makakatambal sa pagbibigay ng serbisyo publiko at kilala ng mga taga-QC ang kanyang line-up na batikang “public servants.”

Ang mga kandidatong konsehal sa District 1 ay kinabibilangan ng mga re-electionist din gaya ni Konsehal Alex Bernard Herrera, Dorothy “Dra. Doray” Delarmente, Tany Joe “TJ” Calalay, Joseph Juico, Oliviere “Olie” Belmonte, at Charm Ferrer.

Sa pagka-kongresista, ang kandidato ni Belmonte ay ang award winning na actor na si Arjo Atayde, Juan Carlos Campo Atayde sa tunay na buhay.

Ipinangako ng mayora na kasama ang kanyang team sa District 1 na magtutuloy ng mga kapaki-pakinabang na programa hindi lamang sa unang distrito kundi para sa lahat ng mga QCitizen.

“Ako’y nagagalak na makasama ang mga maaasahan, mga dedikado sa tungkulin, at mga taong nagpapahalaga sa kanilang mga kapwa. Hindi po tayo nandito para maghari-harian. Kami po ay nandito at mapag­kumbabang iniaalay ang aming sarili para sa ikatataas ng antas ng pamumuhay ng pinaka­mahihirap sa aming mga kababayan,” pahayag ni Belmonte sa harap ng media.

Si Atayde, bago lamang sasabak sa politika ay nagsabing siya mismo ang nag-alok ng kanyang sarili kay Belmonte upang makatulong at maka­paglingkod pa sa mga taga-distrito uno ng lungsod.

Umugong ang panga­lan ng aktor nang mag-donate ng service vehicles sa mga barangay ng District 1 upang magamit sa responde sa panahon ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

About hataw tabloid

Check Also

Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na …

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …