Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval, Aljur Abrenica

AJ Raval umaming nililigawan ni Aljur; Spotted sa mall habang HHWW

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni AJ Raval sa Pep.ph, inamin niya na nililigawan siya ng ex-husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica. Hindi siya magsisinungaling dahil magmumukha lang silang tanga ni Aljur ‘pag itinanggi pa nila.

Hindi pa lang niya magawang sagutin ang aktor, dahil nasa getting-to-know each other pa lang sila. Although, nagki-care na rin naman siya kay Aljur.

Sabi ni AJ, “Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other.”

Naku, kung may pagtingin na rin si AJ kay Aljur, dapat ay huwag nga muna niya itong sagutin. Kasal pa kasi si Aljur kay Kylie. Kaya bawal pa silang magkaroon ng relasyon. Hintayin niya munang ma-annul ang kasal ng dalawa. Or else, baka idemanda siya ni Kylie ng concubinage, ‘pag nagkataon, ‘di ba?

Pero totoo nga kayang wala pa silang relasyon?

Spotted kasi sila na magkasama sa isang mall, na habang naglalakad ay magka-holding hands pa. ‘Di ba gawain ng dalawang magkarelasyon ang nagho-holding hands?

Napansin lang namin na tila mahilig sa anak ng action star si Aljur, huh! Ang ex-wife niyang si Kylie ay anak ng action star na si Robin Padilla at si AJ naman ay anak ni Jeric Raval, na isa ring action star.

Samantala, kasama si AJ sa pelikulang Shoot!Shoot! Di Kita Pipigilan mula sa Viva Films. Gumaganap siya rito bilang isa sa leading ladies ng bidang si Andrew E. Showing na ito sa Vivamax simula ngayong araw na ito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …