Thursday , June 4 2026
Allison Asistio

Newbie BL actor napalaban sa daring scenes

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang pagbibida ni dating Mastershowman Walang Tulugan mainstay at singer na si Allison Asistio sa BL series na Win Jaime’s Heart ng Sunny Istudyu na idinirehe ni Zyril Nica Bundoc at napanood sa Sanny Istudyo’s YouTube channel.

Dahil sa tagumpay ng season 1 ng Win Jaime’s Heart napapanood na rin ito sa WeTV at iFlix


Ani Allison, ito ang kauna-unahan niyang proyekto na napalaban siya sa mga daring scene na talaga namang pinag usapan, iyon ‘yung eksenang nag-masturbate siya.

Noong una ay kabado siyang gawin iyon pero dahil na rin sa mahusay ang kanilang director napapayag siya. Nakita niya rin na napaka-artistic ng shot kaya nakahinga siya ng maluwag.

At habang hinihintay ang season 2 ng Win Jaime’s Heart, mas pinagaganda niya ang katawan para kapag nagsimula sila ng shooting ay handang-handa na siya.

Bukod sa BL series, nangangarap si Allison na makasama sa isang teleserye at makatrabaho ang kanyang ultimate idol na si Liza Soberano.

Bukod sa maganda si Liza, isa ito sa maituturing niyang mahusay na aktres sa kanyang henerasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …