Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dimples Romana, Boyet Ahmee

Dimples at Boyet may sikretong lovenest

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ANG ganda ng panuntunang naibahagi ni Dimples Romana sa panayam sa kanya ng Over A Glass Or Two kamakailan.

Of not keeping tabs of other people’s mistakes. And not wish ill of anyone.

Blessed na blessed nga sa buhay nila ng kanyang mister at mga anak si Dimples.

Kaya nagbahagi rin siya ng mga pinagdaanan nila ni Boyet sa kanilang relasyon na muntik na rin palang nabuwag noon. 

“I couldn’t even say I love you to him anymore. Iba ang respeto sa love. ‘Yun ang natutunan namin as the years went by.”

At natumbok nina Jessy at JCas, ang hosts ng OAGOT ang sikreto kung bakit mas lalo pang tumamis ang pagsasama ng dalawa.

“Our condo, apart from our house na pinupuntahan naming dalawa. There was a time na we would spend a night in a hotel. Away from the kids. Date nights ang tawag namin doon. Just the two of us. We go there. Our love nest.”

Maraming realizations sina Dimples at Boyet sa relasyon nila.

Kaya hawak-kamay sila sa lahat ng pagkakataon sa mga dumarating sa buhay na magkasama nilang hinaharap.

Ang blessing na dumating ngayon kay Dimples ay panibagong serye sa Kapamilya. Na siguradong magba-“VIRAL”!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Bree Barrameda Hell University

“Hell University,” buwena-manong project ng magandang newbie na si Bree Barrameda

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG project ni Bree Barrameda ang “Hell University,” na mapapanood na sa …

Aga Muhlach Andres Muhlach

Aga kitang-kita pagka-proud kay Andres sa Bagets, The Musical

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAY gandang pagmasdan sa stage ng mag-amang Aga Muhlach at Andres Muhlach during the pilot …

Willie Revillame Wilyonaryoc Jacket

Willie muling kinakitaan paninita sa mga katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBABALIK-TV na nga si Willie Revillame dahil nag-umpisa na ang pag-ere ng Wilyonaryo sa wilyonaryo.com,  hindi …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …