Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
XianLim, Heaven Peralejo, Gino Roque, Pasabuy

Xian puring-puri ni Heaven bilang direktor

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKA-RELATE si Heaven Peralejo sa karakter na ginagampanan niya sa bagong handog ng WeTV, ang Pasabuy na ginagampanan niya ang role ni Anna, isang batang executive na may dala-dalang problema kaya nagpunta sa isang beach resort para mag-soul searching.

Gino Roque, Heaven Peralejo, Pasabuy

Nagkataong naroon din si Gino Roque, si John isang aspiring musician na ginagamot din ang sarili dahil biro rin sa pag-ibig.

Gino Roque
Gino Roque

Inabutan ng lockdown sa naturang beach resort sina Heaven at Gino kaya naman para makakuha sila ng mga pangangailangan, kailangan nilang umorder sa pamamagitan ng “pasabuy”. Dito sa chat room ng pasabuy sila nagkakilala. Na hindi nila akalaing iyon ang magiging simula ng kanilang magandang pagtitinginan.

Ani Heaven, naka-relate siya sa kanyang character, ang pagiging hopeless romantic.

Heaven Peralejo, Pasabuy

“Aside from that, there’s a part that Anna taught people about self-love. I learned from her, too,” sambit niya sa isinagawang virtual media conference.

Inamin din ni Heaven na hindi siya nahirapang makipagtrabaho kay Gino bagamat ngayon lamang sila nagka-work. ”Siguro sumakto lang ‘yung personalities namin sa isa’t isa

Sa kabilang banda, pinapurihan naman ni Heaven ang kanilang director na si Xian Lim.

XianLim, Pasabuy

Aniya, madalas silang i-check ng actor pagkatapos nilang mag-shoot. 

“He was on top of everything, even with making sure that we all kept our sanity in check,” sambit ni Heaven.

Napapanood na sa WeTV ang Pasabuy na nagsimula noong September 24. Ang Pasabuy ay may six-episode series na isinulat at idinirehe ni Xian, co-produced ng Forza Productions.

Kasama rin sa romantic comedy series sina Ella Cayabyab, Ralph Malibunas, Gail Banawis, Nana Silayro, at MJ Cayabyab.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …