Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson, Ogie Diaz

Papa Ogie bilib kay Ping Lacson

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SERYOSO si Ogie Diaz kapag ang usapin ay ukol sa ating bansa kaya naman kahit komedyante, sineseryoso siya ng netizens kapag nagpapahayag ng saloobin.

Tulad nang magpahayag siya ng pagka-gusto kay Senador Ping Lacson sa pagtakbo nito sa pampanguluhan, marami ang humanga nang banggitin niya sa isa niyang vlog.

Bukod sa pagiging talent manager, umaariba rin si Papa Ogs bilang vlogger o content creator. Mayroon siyang mga Youtube  channels na ang isa ay for interview ng mga personalidad at ang isa ay showbiz roundup naman.

Winner sa dami ng subscribers ang dalawang channel niya. Bukod pa  ang kanyang mga social media account, kabilang ang Twitter na mas vocal itong nagpapahayag ng kanyang political views.

Sa isang vlog ni Ogie tungkol sa showbiz, natalakay niya ang pagdepensa ni Iwa Moto sa biyenan nitong si Sen. Ping, na tatakbong presidente sa 2022 elections na katambal si Senate President Tito Sotto.

Ani Ogie, natural na ipagtanggol ni Iwa si Ping dahil biyenan at kilala niya ito. At nang basahin ni Ogie ang sinabi ni Iwa na hindi magnanakaw ang senador, aba’y umayon si Ogie.

Sambit ni Ogie sa kasama niya sa vlog: ”Totoo ‘to, hindi siya [Ping] magnanakaw. Kasi alam mo bang hindi tumatanggap si Senador Ping ng pork barrel bilang senador…Magkano rin ‘yon, mga P200-M isang taon.”

Dagdag pa ni Ogie, ”Kahit naman ako, gusto ko rin ‘yung integridad ni Senator Ping. Kaya nga naloloka ako kung bakit ‘di niya tinatanggap ‘yung pork barrel.”

Ang pork barrel o priority assistance development fund ay pondo para sa mga kongresista at senador. Pero sapul nang maging mambabatas, hindi tinanggap ni Ping ang kanyang pork barrel funds dahil pinag-uugatan ito ng katiwalian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …