Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Comelec Bulacan

Mga Bulakenyo, may 11 araw pa para magparehistro

MAY nalalabi pang 11 araw upang magparehistro ang mga Bulakenyo bago ang huling araw ng pagpaparehistro sa 30 Setyembre.

Nanawagan si Gob. Daniel Fernando sa lahat ng mga Bulakenyong hindi pa rehistrado na kunin ang pagkakataong gamitin ang kanilang karapatang pumili ng mga susunod na mamumuno sa lalawigan ng Bulacan at sa bansa.

“Sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, magparehistro na po kayo. Gamitin po natin ang ating karapatang bumoto at pumili ng mga lingkod bayan na makatutulong sa higit na ikatatagumpay ng ating pamahalaan, lipunan at komunidad,” ani Fernando.

Base sa Commission on Elections (COMELEC), ang pagpaparehistro sa Bulacan, na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), ay bukas mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang mga holiday mula 8:00 am hanggang 5:00 pm sa Office of the Election Officer o satellite registration sites habang ang mga nasa ilalim ng MECQ at general community quarantine (GCQ) ay bukas hanggang 7:00 pm.

Upang makapag­pa­rehistro, maaaring bisi­tahin ang https://irehistro.comelec.gov.ph/ o magtungo sa tanggapan ng COMELEC. Makikita ang iskedyul ng rehistro­han sa mga satellite registration website nito na www.comelec.gov.ph o [email protected].

Ayon sa COMELEC, ang pagpaparehistro ay kailangan sa lahat ng kalipikadong Filipino na nais bomoto sa eleksiyon sa Filipinas sa ilalim ng Republic Act No. 8189. Sang-ayon dito, isang beses lamang kina­kailangang magpare­histro ngunit kung lilipat ng tirahan ay mangyaring mag-aplay ng paglipat ng kanyang tala ng rehistro.

Sa nasabing website, nakasaad ang mga kali­pikasyon upang makapag­parehistro ang isang Filipino kabilang ang edad na 18 anyos bago sumapit ang araw ng eleksiyon (Mayo 9, 2022); residente ng Pilipinas nang hindi kukulangin sa isang taon, at residente ng iyong barangay ng hindi kuku­langin sa anim na buwan.

 (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …