Thursday , December 19 2024

Pagtaboy ni Sara sa ama camuflaje, zarzuela — Ex PPCRV chief

HATAW News Team

ZARZUELA o romcom lamang ang ginagawang pagdistansiya o pagtataboy kay Pangulong Rodrigo Duterte ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa isyu ng 2022 Presidential election.

O isang camouflage para ipakita sa publiko na magkaiba ang mag-ama sa pamamahala ngunit ang katotohanan ay magkapareho lamang sila ng ‘estilong aayaw-ayaw pero gustong-gusto pala’ kaya hindi dapat malinlang ang publiko.

Tahasang inihayag ito ni dating Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Secretary General, Bro Clifford Sorita, sa harap ng ginagawang pagbatikos ni Mayor Sara sa mismong partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban, ang pagdistansiya sa isinusulong na Sen. Christopher “Bong” Go at President Duterte tandem sa 2022 elections, at pagtanggi sa Duterte-Duterte tandem.

Ayon kay Bro. Sorita ang lahat ng argumento, sa bandang huli ay tutumbok din sa Duterte-Duterte at hindi dapat malinlang ang publiko sa ganitong camuflaje.

“Tingin ko sa lahat ng ‘yan ay simply sarzuela or romcom between Sen. Go, Mayor Sara and our President, Mr Duterte. Minsan kasi you have to look past the subterfuge, the camouflage, because all these alignments will just boil down to one thing, mapaanong configuration ‘yan, Duterte-Duterte configuration or Go-Duterte, whichever Duterte that may be,” paliwanag ni Sorita.

Naniniwala ang dating PPCRV head, ang nangyayari sa ngayon ay nais lamang timplahin ng mga Duterte kung ano ang mas acceptable na tandem configuration.

“Kasi masyadong pumalpak itong CoVid-19 response, let’s face it, the pandemic response is a failed response and talagang people are not happy with what’s happening so it’s a camouflage to distance one campaign to the other,” giit ni Sorita.

Paala ng dating PPCRV head, hindi dapat ma-misled ang tao dahil ang katotohanan ay kabilang ang mag- ama sa iisang grupo, ang Davao Group.

“It is the same group trying to regain power, whatever happens for another 6 years. It is simply an extension of power lang naman. Let the people be aware of it na it is not a different configuration, the drama, the sarzuela, this two different groups. ‘Di ba aakalain mo magkaiba? Pero hindi naman dalawang separate groups kasi the people behind it are still the same people,” diin ni Sorita.

Kapwa sina Pangulong Duterte at Mayor Sara ay nakatanggap ng puna sa kanilang pagtugon sa pandemic: ang national government ay binabatikos sa maling paggamit ng CoVid-19 funds ng Department of Health (DOH), mabagal na vaccination drive, at kawalang sistema sa CoVid-19 response; ang anak na alkalde naman ay kinondena sa ginawang pag-iikot sa mga lalawigan at konsultasyon sa mga political leaders habang ang Davao City ay nahaharap sa CoVid-19 surge at may pinakamataas na kaso na nahigitan pa ang National Capital Region.

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *