Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez
Teejay Marquez

Teejay pumirma ng panibagong kontrata sa Regal

MATABIL
ni John Fontanilla

PARANG nasa cloud 9 si Teejay Marquez nang pumirma ng panibagong kontrata sa Regal Films kahit patapos pa lang ang kanyang dating kontrata.

Present sa signing of contract si Arnold Vegafria ang manager nito at si  Rosselle Monteverde ng Regal Films.

Kuwento ni Teejay, laman ng kontrata ang 12 pelikula na gagawin niya sa loob ng limang taon.

“Feeling ko para akong nasa cloud nine sa dami ng blessings na dumarating sa akin ngayon kahit na nga nasa gitna tayo ng pandemya. Kaya naman very thankful ako kay lord sa mga blessing na dumarating sa akin at isa na nga rito ang pagpirma ko ng panibagong kontrata sa Regal Films.

“Thankful din ako kay Ma’am Roselle at Mother Lily Monteverde for the trust na muli nila akong pinapirma ng another contract kahit na nga patapos pa lang ‘yung existing contract ko, kaya sobrang nakatataba ng puso.

“At sa kuwentuhan pa lang namin ni Ma’am Rosselle at ng manager ko sa posibleng gawin kong pelikula ay nae-excite na ako sa 12 films na gagawin ko.

“And happy din ako dahil any days from now ay sisinulan na naming i-shoot ang season 3 ng ‘Ben X Jim.’”

Bukod sa pagpirma ng kontrata sa Regal Films, kaliwa’t kanan din ang dating ng endorsement nito ng iba’t ibang produkto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …